continuation 8.4 (Mapaglaro)

54 3 0
                                    

(set up: bahay nila klet)

Nakauwi na si pam at rey, inihatid mona ni rey ang dala dala nilang cake ni pam sa bahay, nagpahinga mona saglit si pam dahil sa maghapong trabaho habang si rey naman ay umuwi mona sa kanilang bahay  at nag usap na susunduin nalang mamayang gabi.

Klet: Oh pam, nakauwi kana pala mamaya daw doon tayo kila rey mag hahapunan, nasabi nya saakin kanina.. Oh yan wag mong sabihing di ka sasama?

Pam: Sasama ako,heto nga o at may dala akong pineapple carrot cake para sa mama nya. Kaso ilalagay ko mona dito sa fridge kasi cream cheese icing ito. Mas masarap kapag malamig at mamaya pa naman ang salo salo sa kanila.

Klet: Buti naman at sasama ka, nakakatuwa talaga tong si rey noh?  kakakilala palang sayo gusto kana agad maging member of the family...hahaha! (Nagsisimula nanaman si klet mang asar..)

Pam: Member of the family??? Ininvite lang ako kasi birthday ng mama nya hindi yun family reunion ate! birthday yun! birthday!! Saka kasama ko naman kayo diba?

Klet: Yun na nga,kasama mo kami,  member of the family hahahaha!

Pam: Ewan ko sayo ate! Inaabot kana naman ng kabaliwan mo!..

Klet: edi okay, sabi mo ehh.. Hahaha!
(Alaskadora talaga tong si klet!)

Mga bandang 7:00 pm ay sinundo na ni rey sila pam at pumunta na ito sa kanilang bahay. Dito ay nakita ng pamilya ni rey si pam at winelcome nila ito..

Rey: Ma! Andito napo mga bisita mo..

Mama: Si pamela na ba yan??( Habang nasa hapagkainan at inilalatag ang mga pagkain sa mesa)

Rey: Opo Ma! May dalang regalo sayo.. punta kana muna dito ma sa sala.. at ako na muna jan sa kusina..

Mama: Oo sandali lang,papasukin mona sila anak!

Pam: Hello po! Magandang gabi po, sabay mano at ibinigay ang cake Happy birthday po sainyo! Sabay ngiti ng dalaga.

Mama: Ay salamat sa regalo mo pamela! alam mo ang sarap nung cupcake na ginawa mo at alam ko masarap din ito. Ang ganda ganda mo namang dalaga,tama nga sinabi ng anak ko..

Pam: ay talaga po, salamat po tita dolly..

Dolly: Walang ano man, pero mas masayang pakinggan kung mama na din ang itatawag mo saakin, wag ka mag alala lahat ng malapit kay rey ay mama din ang tawag saakin.

(tila nabigla si pam sa narinig pero hindi sya nagpahalata.)

Habang sa likod nya ay pigil ang tawa ni klet habang nakikinig sa kanila , tila alam na nito ang nasa isip ni klet.

Pam: Ahh sige po... Mama dolly.. hehehe! ( tonong medyo nahihiya pa na bigkasin ni pam dahil sa biglaan at  hindi sya sanay na tumawag ng mama kahit kanino at marahil iba ang pumapasok sa isip nya..)

Mama: Ayan ang gandang pakinggan! Oh,sandali lang ha at ayusin ko lang ang hapagkainan natin enjoy muna kayo jan sa sala mag videoke... Rey anak, bigyan mo nga sila ng maiinom at yung papa mo itext mo na din kong nasaan na sya baka natraffic na yun sa daanan.

Klet:  ( lumapit at may binulong kay pam) Oh ano pamela, sabi ko sayo ehh, member of the family kana ...Hahahaha!!!!

Pam: Tumigil ka nga ate! Ang ingay mo. Mahiya ka ang lakas ng tawa mo wala tayo sa bahay natin..

MAPAGLAROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon