Continuation 13.2 (Mapaglaro)

45 0 0
                                    

Agad umuwi ng bahay si pamela, pumasok agad ito sa kwarto niya at nahiga sa kama habang patuloy padin sa pag iyak, in-off niya muna ang kang fone para makaiwas sa tawag ni rey..

Pam: Ba't ang sakit rey? Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong sakit.. (tugon nito sa sarili  na di kinalaunan ay nakatulog na sa kakaiyak..)

Habang si klet naman ay naliligo sa banyo, biglang may tumatawag sa kanyang telepono na nakalapag sa mesa,  ang papa ni pamela ang siyang tumatawag... agad itong nakita ni ryan habang umiinom ng mainit na kape..


Ryan: Hon! May tumatawag sa fone mo! Sagutin kona ba?? ( Sigaw nito kay klet na nasa loob pa ng banyo at naliligo..)

Klet: Ha'?? Sino daw??

Ryan: Si tito eddie, yung papa ni pam..

Klet: Ay sige, sagutin mona at hindi pako tapos dito maligo!..(tugon nito sa kanyang asawa)

agad na sinagot ni Ryan ang tawag ng ama ni pamela..

Ryan: Hello, tito si ryan po ito kamusta po kayo,  bakit po kayo napatawag'?

Eddie: Nako, ryan pasensya na sa abala ko sainyo ni klet.. busy ba kayo?

Ryan: Ay nako hindi po, naliligo po kasi si klet  sa banyo kaya ako na po ang sumagot. ano po ba yun tito'?

Eddie: kasi si pam, di ko makontak.. kailangan ko siya makausap kasi emergency... Sinugod namin sa hospital ang Mama niya dahil tumaas masyado ang blood sugar nito rason para ito'y mag collapse.. andyan ba si pam?

Ryan: Hah'??!! Nako, nakakalungkot po na balita yan, sige po at sasabihin ko agad kay klet... kamusta po ang lagay ngayon ni tita'!?? Sa pagkakaalam  kopo ay kanina pa umalis si pam,  pero hayaan mopo at pagdating niya ay sabihin namin agad na tumawag sainyo.

Eddie: Salamat ryan ha, medyo delikado ngayon ang lagay ng mama niya dahil sa umabot ng 500 ang blood sugar niya, andito kami sa hospital at wala pa din malay ang mama niya..  sige ha at aasikasuhin ko muna ang mga gamot na kailangan ng mama niya..

Ryan: nako! Ang taas nga, ipagdarasal kopo ang paggaling ni tita, Sige po tito mag iingat po kayo diyan..

Tinawagan agad nila klet si pam sa fone nito subalit ito'y out of coverage..kaya tinawagan nila si rey para tanungin ito kung kasama niya..at ito'y sumagot naman...

Klet: Hello rey, kasama mo ba si pam?

Rey: Hah'? Kanina papo umalis  dito, bakit po? May nangyari po ba sakanya?

Klet: Nako, wala naman naitanong kolang kasi nais siya makausap ng papa niya, tinatawagan ko sya kanina pa kaso out of coverage.. sige rey balitaan mo nalang ako kung sakaling makontak mo sya..

Tila napaisip si rey, baka tumawag ito sa kanyang papa dahil sa nangyari sa kanila, nakakaramdam tuloy si rey ng guilty sa sarili niya..

Ang hindi alam nila klet ay nasa loob na pala ito ng kwarto niya, hindi nila napansin ang pagdating ni pam dahil ito'y dali daling umakyat sa kwarto niya.

Klet: Hmm... Kung kanina pa umalis si pam sa studio nila rey, baka sakaling andito na yun? O di kaya ay malapit na at natraffic lang'?, kaso bakit naka off ang fone niya? Saglit nga at icheck ko sa kwarto niya..

Nang binuksan ni klet ang kwarto ni pam ay dito nakita niyang mahimbing na natutulog ang dalaga..

Susmaryusep! Andito kalang pala pamela!  agad niya itong ginising,

MAPAGLAROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon