Continuation 13.3 (Mapaglaro)

18 1 0
                                    

Nakauwi na si rey sa bahay nila, hindi ito  mapakali dahil hindi sinasagot ni pam ang kanyang mga tawag at text kaya minabuti nitong pumunta sa bahay nila pam para kausapin at humingi ng tawad dito..

Sa gate ay kumatok ito at pinagbuksan ni ryan..

Rey: kuya ryan, Nakauwi na ba si pam?

Ryan: Oo kanina pa, nasa kwarto niya nag iimpake na ng mga  gamit .. halika pasok ka..( walang alam si ryan na may nangyaring away sa pagitan nila rey at pam)

Rey: ha'!?? Bakit po?? (Alalang pagtanong nito..)

Ryan: Kailangan ehh,mabuti pa siya nalang tanungin mo..

Dali-dali itong tumungo sa kwarto ni pam at kumatok sa pinto..

Rey: Pam'?? Galit ka ba saakin? Usap naman tayo oh, pakinggan mo muna ako.. hindi ko din ginusto ang mga nangyari..maniwala ka sana,..

Nabigla si pamela nang marinig ang boses ni rey ,at napatigil ito sa pag impake ng kanyang mga damit..

Agad itong tumayo at dahang dahan binuksan ang pinto, nang makita nito si rey ay naawa siya rito dahil kitang kita sa mga mata nito ang lungkot at pagsisisi sa mga nangyari..

Nang makita ni rey si pam ay agad nuya itong niyakap ng mahigpit at patuloy parin ang paghingi ng tawad nito sa kanya.

Rey: pam, kahit ano gagawin ko wag mo lang akong iwan..please!!! pag usapan natin to'...( wika nito habang nagmamakaawa kay pamela na huwag umalis)

Biglang kumalas si pamela sa pagkakayakap sa kanya ni rey, tinitigan nito ang mga mata.. naawa ito kay rey dahil hindi niya alam kong papano sasabihin kay rey na kailangan niya ng umuwi.

Pam: halika, maupo ka muna sa loob, may nais akong sabihin saiyo.

Pumasok si rey sa kwarto at naupo ito sa isang sulok ng kama ni pam, nabigla ito ng makita ang ang mga damit na nakapaloob na sa luggage.

Rey: Aalis ka '? Iiwan mo talaga ako?Paano natin to maaayos kung aalis ka? Hindi ka uuwi, aayusin natin ang problemang ito..

Pam, maniwala ka.. walang kaming relasyon o anopaman ni abbie, alam mong mahal na mahal kita at hindi iyon magbabago.

Pam: Alam ko naman iyon rey, hindi naman ito tungkol saatin.. kailangan kong umuwi dahil nasa hospital ngayon si Mama, at delikado ang lagay kaya kailangan ko muna umuwi..

Rey: Ha'??!! Bakit ngayon mo lang sinabi??

Pam: Kanina ko lang kasi nalaman, kaya eto, nag iimpake na ako ng gamit kasi walang mag aasikaso dahil kailangan nila ako...

Wag kang mag alala rey, hindi na ako galit saiyo, Mas pinoproblema ko ngayon ang kalagayan ni mama, hindi ko alam kong anong lagay niya ngayon, sana ay maayos na siya'..(nag aalalang  tugon nito..)

(Nilapitan nito si pam, at hinaplos ang likod)

Rey: Salamat pam, alam ko hindi madali ang sitwasyon natin ngayon, pero di na kita pipigilan sa desisyon mong umuwi dahil iyon ay nararapat mong gawin ngayon.

Ipinapangako ko na hinding hindi na mauulit iyon, araw araw kitang tatawagan at kakamustahin at hinding hindi ako mapapagod gawin yun saiyo... Basta ipangako mo din na babalik ka agad kapag okay na ang lahat'.. please'?

Lumingon si pam kay rey, Hinaplos nito ang mukha ni rey, lungkot na lungkot ito dahil sa problemang kinakaharap niya sa kanyang ina at pati narin kay paul na kung saan ay hindi niya pwedeng sabihin ito kay rey dahil ayaw niya itong mag isip ng kung ano pa man at para maiiwas din ito at hindi na madamay pa sa problema nila ni paul..

Pam: Rey, aaminin ko, sobrang nasasaktan parin ako sa nangyari, pero alam mo kahit ganon pa ang nangyari mas pipiliin kong dito lang ako,  ayokong umalis kasi gusto ko din ayusin ang problema natin dahil mahal na mahal kita, pero sa ngayon rey, mas makabubuti muna siguro  sa atin ito. Wag kang mag alala, babalik ako agad rey, pangako ko yan..

Niyakap nito nang mahigpit si rey habang binubulong  nya  ng paulit ulit sa kanyang isipan na ..

" Rey, I'm so sorry, kelangan kong harapin muna si paul , ayoko man sanang maglihim sayo pero alam kong mas mabuti nadin muna ito dahil ayokong masira ang mga bagay na meron ka ngayon"..

Rey: Oo pam, hihintayin kita, at sa pagbalik mo ipinapangako ko at sisiguraduhin kong hindi na ulit ito mangyayari.. patawarin mo ko kung nasaktan  ka nang ganito dahil sa mga nagawa kong kasalanan..

Kumalas ito saglit sa pagkakayakap kay rey at may sinabi..

Pam: Rey, may hihilingin sana ako saiyo.. sana habang wala ako, ingatan mo ang sarili mo , kung may oras man o araw na hindi ako magparamdam saiyo, wag mong isipin na hindi  kita iniisip... may kailangan lang akong ayusin , at pag naayos kona yon babalikan kita agad at hinding hindi na ako aalis..Okay'?

Rey: Oo, makakaasa ka.. hindi ako mapapagod maghintay sayo kung kailan ka babalik...

Rey: pam, pwede bang bukas ako na ang maghahatid saiyo? Please?

Pam: Okay, sige walang problema..

O sige na rey, kailangan ko na magpahinga maaga pa tayo bukas ehh..( malumbay na tugon nito kay rey)

Rey: Pam, ( sabay hawak sa mga kamay nito..) ikaw lang ang mahal ko, palagi mo yan iisipin ha? Walang sino man ang makakasira sa atin kaya sana wag tayo agad susuko ha'? Kita mo tong promise ring sa kamay mo? Eto ang saksi na ikaw lang ang gusto ko, at hindi yon magbabago..

Pam: Oo rey, alam ko naman iyon, sorry kung nagpadala ako sa mga nakita ko, hindi ko kasi kayang makita kitang ganoon, patawad din dahil hindi kita hinayaang magpaliwanag,pero gayon paman wag ka mag alala, kasi ayoko naman na mawala ka sakin eh, sadyang masakit lang talaga sa pakiramdam ko na makita ang ganoon..

Rey: I promise, hindi nayon mauulit! At iiwasan kona din si abbie..

Pam: dapat lang! (Sabay ngiti nito kay rey)

Rey: Sa wakas! Ngumiti din ang mahal ko, magiging panatag na ang isip ko!..(biro nito sa nobya dahil ngumiti na ito, sa kabila ng mga nangyari..)

Pam:  Loko ka talaga, sige na umuwi ka na..

Rey: Oo pam..pangako ko yan, at ipangako mo rin na babalik ka..

Pam: Oo naman..saglit lang naman ako mawawala. Babalik ako rey, BABALIK AKO'.. ( Madiin na tugon nito)

***

MAPAGLAROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon