continuation 5.2 (Mapaglaro)

47 2 0
                                    

Sa loob ng bahay, kinausap ng masinsinan ni klet si pamela tungkol sakanila ni paul..

Klet: Pam, ganon ba tlga si paul pag nagagalit?

Pam: Opo ,ganun po talaga sya at di nadin sakin panibago yun. May mga pagkakataon nga na kung minsan yung galit nya sa ka katrabaho sakin nya naibubuntong, sa madaling sabi saakin sya nagagalit kahit wala naman akong ginagawa sakanya.

Minsan naman mamamasdan monalang syang tahimik lang, tapos mabibigla kanalang dahil makikita   mo na nagliliparan na mga folders sa table nya. Dahil sa hindi nya gusto ang gawa.

Sa katunayan tanging ako lang ang nakakapakalma sakanya,kaya laking tuwa ng mama nya na napagttyagaan ko ugali ng anak nya. Eh kasi nga mahal ko anak nya kaya tinitiis ko lahat.

Iniintindi ko na lang na baka kasi pressure sya sa trabaho kaya maikli pasensya nya, pero minsan may mga pagkakataong nakakapagod din maging girlfriend nya.

Klet: Nako! Hindi ko yan alam pamela! At bakit mo hinahayaan si paul na gawin yan sayo?kahit pressure pa sya sa trabaho hindi pwedeng gawin nya yan sayo, saka pareho lang kayo pressure sa trabaho.

Alam mo pam, sa isang relasyon hindi pwedeng puso lang ang susundin mo,minsan gamitin mo din yung isip mo,kasi dapat balanse para di ka masaktan at mahirapan ng ganyan, totoo ngang pag nagmahal ka  masasaktan ka, pero hindi sa ganitong paraan, kasi ang nangyayari tinuturuan mo lang ang sarili mong maging isang manhid at mahina.

Buti nalang pala at naawat ko kayo,dahil kong hindi ewan kolang sayo pamela,uuwi kang umiiyak.
O sige na, matulog kana.

MAPAGLAROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon