Chapter 5 (Mapaglaro)

64 3 0
                                    

Umaga na, pero nakahiga parin si pam, matamlay, malungkot dahil alam nya na ilang oras nalang uuwi na sya kasama ang nobyo,  naisip nya rin bigla yung mga sinabi ni paul patungkol sa engagement..

Pam:  bakit hindi ako natutuwa? Bakit hindi ako nakakaramdam ng saya o kilig man lang? Bulong nya sa sarili.

Ay ewan, kelangan kona bumangon at magdidilig pa ako ng halaman.

Tumungo sa bakuran si pam dala ang timba at pang spray sa mga halaman.

Habang si rey naman ay kakarating pa lamang galing sa pag jogging kasama ang pamangkin nyang si guen at ang kanilang asong si shemus (chowchow).

Guen: Good Morning tita pam! Nkangiting bati ng bata.

Pam: hello guen,mukhang pawis na pawis ka ha, saan ka ba galing?

Guen: nagjogging po kami ni tito rey, kasama yung aso namin si shemus ayon po hawak ni tito rey.

Rey: Guen, ipasok mona si shemus sa loob at may itatanong lang ako kay tita pam at ibigay mona rin itong binili nating pandesal kay ate..

Guen: okay po tito, sabay pumasok na sa loob.

Pam: O bakit rey? Anong itatanong mo?

Rey: Ahh,wala naman gusto kolang tanungin ka kung bakit andito ka?.. Diba may trabaho ka ngayon.. Bat di ka pumasok?.. hindi pa naman sabado ngayon diba..

Pam: Ay yun ba, hindi talaga ako pumasok, kasi hindi na ako magtatrabaho dun..

Rey: Huh? Bakit naman?

Pam: Babalik na kasi ako mamaya sa Bicol. Matamlay na tugon nito.

Rey: kasama mo ba yung lalaki kagabi? Sya ba yung susundo saiyo mamaya?

Pam: Oo sya nga, si Paul.. Boyfriend ko..

Rey: ahh, may boypren kana pala.. di mabuti nga yon magkakasama na kayo ulit ng boypren mo,
masaya kaya yun! .. "awit rey! " bulong ni rey sa kanyang sarili.. (Aww'sakit = Awit)

Pam: Sana all masaya..

Rey: bakit? Hindi ka ba masaya?hindi ba kayo okay?

Habang tinatanong ni rey si pam ay may biglang isang ale na parating at tinatawag ang pangalan ni rey, Ito'y isang ale na nagtitinda ng yakult, dala nya ang push cart nya na may lamang  yakult.

Ale: Rey! Rey! Eto na pala yung inorder nyong Isang dosenang pack ng yakult, Saan ko to pwedeng ilagay?

Nilapitan ni rey saglit ang ale at kinuha ang mga yakult,inilagay mona ito sa harap ng gate nila,kumuha ng isa si rey at bumalik kay pam para kausapin ulit ang dalaga.

Rey: oh, mag yakult ka muna, kitang kita ko kasi sayo na hindi ka okay, baka sakaling pag uminom ka ng yakult maging okay kana.

Pam: huh?pinagsasabi mo? At naniniwala ka talaga na pag uminom ka ng yakult magiging okay ka?

Rey: eto naman di mabiro,pinapatawa lang kita, korny ba?

Pam: hay nako rey, pasensya kana at hindi ako minsan nkakasabay sa mga ganyang biro..saka wala akong dalang pera sa bulsa ko, ang aga aga naman para utangin ko yan dala mong yakult.

Rey: hay nako! Di ko naman ibebenta to  sayo,bigay ko nga  to sayo para maging okay ka nga diba? Ayaw mo ba?

Pam: talaga sakin nayan? Bat Isa lang ibibigay mo?

Rey: Ay ganon naman pala eh, di ibigay kona tong lima para sure akong magiging okay na okay  kana, hehehehe (biro ni rey na mukhang effective kay pam)

Pam: salamat rey...sabay ngiti..

Rey: wow! Ganyan dapat, pero maiba ako, bat ka pala aalis na? Ang bilis naman, under ka ba ng boyfriend mo? Pumapayag ka ng ganoon nalang ? Di ko lubos maisip na sa pagkasuplada mo ehh titikop kalang sa nobyo mo.. hindi halata sayo..

Pam: hoy ,hindi ako under non, sadyang ayoko lang kasi ng away at ingay, wala na nga kaming time para sa isat isat tapos mag aaway pa kmi. Saka para din siguro ito sa ikabubuti..

Saka may kasalanan din kasi ako eh pumunta ako dito ng walang abiso nya, kasi nga gusto kolang naman sana makatry ng new environment, yung malayo sa mga chismosa..kaso ayun na , ewan ko ba ayoko ng isipin yan nalulungkot lang ako masyado.

Rey: So ayun lumabas din ang totoo na hindi ka masaya sa relasyon ninyo.

MAPAGLAROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon