continuation 6.3 (Mapaglaro)

79 2 8
                                    

Habang nagbabyahe si rey at pam, tinanong ni pam kong saan ba talaga sila pupunta..

Pam: rey, saan ba tayo pupunta?gabing gabi na di pa ba tayo uuwi?

Rey: basta, maganda dun sa pupuntahan natin, magugustuhan mo dun..

Pam: Sure ka ba jan? Eh mukhang sarado naman lahat ng mga resto at  malls dito..

Rey: bakit gutom kana ba?

Pam: Hindi, bigyan mo kasi ako ng clue kong saan ba kasi ang punta natin.... hmm...nako rey!kung may binabalak ka sakin wag mona ituloy masasampal kita jan ng bongga!

Rey: hoy! grabi ka naman, wala yan sa isip kong gawan ka ng masama ahh, pero depende nalang gusto mo,payag din ako jan.

Pam: Sira ulo ka! Umuwi na nga tayo!

Rey: Saglit lang malapit na tayo, wag ka magulo nag dadrive ako.

Heto na, andito na tayo, (sabay hininto ang motor) ...  Oh baba kana.

Namangha si pam sa nakita, hindi nya sukat akalain na maganda nga ito..

Pumunta sila sa isang secret garden na puno ng tulips na yari sa led lights, iba't ibang kulay ng ilaw ang nandito. At tanaw  din ang lugar sa ibaba na tanging nagliliwanag na mga ilaw sa daanan ang nagingibabaw.

Pam: Ang ganda ng mga tulips! Kahit led type sya! Nasaan pala tayo rey?

Rey: Nasa Secret Garden tayo,kung saan ikaw at ako lang ang nakakaalam, pero sa ngayon ienjoy muna natin ang view ng rizal.

Pam: dito mo ba dinadala ang girlfriend mo?.. sandali nga pala, may girlfriend ka ba?

Rey: Wala, sa tingin mo kung meron?isasama kaya kita sa gig?baka mapatay ako di sa oras kung meron man.

Pam: Weh? Sa gwapo mong iyan wala kang girlfriend??

Rey: Sa wakas, inamin mo rin na gwapo ako.. (sabay ngiti nito)

Pam: Hahaha! At naniwala ka naman sa sinabi ko?

Rey: Oo naman, kasi alam kong seryoso ang tanong mo.. Sabay tinitigan nito ang dalaga sa mga mata..

Pam: nako, wag mo nga akong tignan ng ganyan, hindi mo ako madadala sa pa beautiful eyes mo, mabuti pa maupo tayo dun sa bench..

Rey, pwede bang magtanong?

Rey: Oo naman, ano yun?

Pam: Bat moko dinala dito? What i mean, yung lugar na ito tipong sa mga magkasintahan lang ang datingan ehh, ang tahimik, ang ganda, napaka romantic ng place. Alam ko hindi naman ito yung una mong pagpunta dito diba?at ramdam ko na may dinala kana din dito.

Rey: Oo, tama ka, para nga ang lugar na ito sa mga magkasintahan, at hindi rin ito ang unang beses ko na pagpunta rito. Napaka sentimental ng lugar nito sakin, dito ako sinagot, at dito rin ako iniwan ng taong mahal ko.

Pam: hala? Bat nandito tayo?sira ka ba? Di mas lalo mo sinasaktan sarili mo!

Rey: hindi, nakangiti na nga ako eh, okay na ako, kaya kona.  kasi noon sabi ko sa sarili ko,  babalik lang ako dito kapag okay na ako,kapag kaya kona, kapag tanggap konang wala na sya sa buhay ko, at hindi na sya babalik kailan man.

MAPAGLAROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon