Chapter 9 (Mapaglaro)

49 1 0
                                    

Agad binuksan ni klet ang pintuan at nagpatulong kay rey ipasok sa kanyang kwarto at ihiga sa kama si pamela..

Klet: Aray ko! Ang sakit ng balikat ko! Ang bigat pala ni pamela,buti at nakaya natin iakyat!... pero tignan mo rey si pamela, ang bait bait ng awra noh?

Rey: Oo nga po, Kapag tulog nga lang! Hahaha!

Klet: hahahah! Sinabi mopa!sige na rey pwede kana umuwi salamat pala hah,  pakilock nalang ng pinto paglabas mo at bibihisan kopa kasi si pamela.

Rey: sige po ate klet..

Lumipas ang umaga at tanghali pero  takaw tulog padin si pamela dahil siguro sa hang over nito. Hapon na nang magising ito at sobrang sakit ng ulo, pinainom ng gamot at pinakain ito ni klet para humupa ang hang over, sa madaling sabi wala masyadong ganap ang araw nila.

( Set up : sa labas ng bahay)

Lunes ng umaga, balik trabaho ulit si pamela, us usual, naka abang ulit si rey kay pamela dahil hindi ito sumasagot sa mga text at tawag nya matapos mangyari ang birthday ng kanyang mama..

Binuksan ni pam ang gate para tumungo na sa trabaho..

Rey: Good Morning Pam! Sabay abot ng  rosas na puti..

Tila di makatingin si pamela kay rey, hindi nya alam kong papano ito babatiin at kakausapin  dahil hiyang hiya sya sa ginawa nya at pinagsasasabi nya nung gabing nag inuman sila. Nakayuko lamang ito sabay kinuha ang rosas.

Pam: salamat rey, sige alis na ako..

Rey: Sandali! Ano bang problema? Bat parang iniiwasan moko? May nagawa ba akong mali?

Pam: Wala...wala naman... nahihiya lang kasi ako sayo... Sa ginawa ko nung gabing yun.. sorry lasing lang ako.

Rey: Bakit anong ginawa mo?

Pam: ewan ko, basta! Wag na nga !
Nahihiya talaga ako sa nangyari sorry.. Di na mauulit..

Rey: alin ba ? Yung niyakap mo ko? At hinawakan mo mukha ko at sinabi mong gwapo ako?? Yun ba yun?

Pam: Inulit pa ehh! Nakakainis..

Rey: HAHAHAHA!! Okay lang yun ano ka ba diko na nga iniisip yun eh, kasi diba may usapan tayo, what you see what you hear leave it here. Kaya I'll keep it secret...

Satin lang yun at wala namang problema saakin kahit ulitin pa natin yun araw araw..hahahaha!

Pam: Sira ulo ka talaga! Bahala ka na nga!

Rey: Oy biro lang! Eto naman kaaga aga badtrip nanaman, halika na nga ihatid na kita sa kanto. Kalimutan mona yon tapos na yon basta sa susunod, wag mona uulitin ha?  Nang walang pa abiso..

Pam: Ang alin??? Halaa!!??? May ginawa ba akong di kanais nais???

Rey: Secret... Hahahaha! Basta, okay lang din naman yun sakin,basta magpaalam kalang pagbibigyan kita.

Pam: Rey naman ehh! Ano nga kasi yun?? Di ako mapapakali nito.

Rey: Wala ,joke lang wag mona isipin yun, iningatan naman kita na hindi magkalat kaya safe ka sakin, pero kung sa iba yun hmm..ewan konalang..

MAPAGLAROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon