Chapter 11 (Mapaglaro)

42 3 3
                                    

Pinatawag na ang banda para sa meeting at contract signing nito sa kumpanya.

Sir Ben: Good Morning boys! Eto nayong simula ng pagbabago sa mga buhay ninyo ,kaya hinihingi ko ang suporta at pagmalasakit ninyo sa kumpanyang ito. Sa ngayon ay ipapaliwanag ni Ms. leila kong ano ba ang Agreement dito sa pipirmahan ninyong kontrata saamin. At si sir Kiko naman ang syang magiging Road Manager ninyo sa mga upcoming events na dadayuhin niyo. Sa ngayon pakibasa muna  ng kontrata para maliwanag din sainyo ang lahat. Pakatapos nyan ay pirmahan na ninyo ang kada page ng kontrata. Pakiusap ko ulit, basahin ng mabuti at kung may hindi man maintindihan ay narito si Maam leila para ipaliwanag sainyo.

Binasang mabuti ng magbabarkada ang kontrata at pakatapos ay pinirmahan na nila ito. Sobrang saya nila, hindi mkapaniwalang eto nayong pinapangarap nila

Sir Ben: Sa ngayon, focus muna tayo sa mga simpleng event katulad ng dinarayo niyo. Pero bukod din dyan isasali ko din kayo na mag front act  sa mga concert at gigs ng parokya ni gardo at kayokazee. Sa ganitong paraan unti unti kayong makikilala at mapapansin, kaya palagi kayong magfocus  sa pag ensayo at pag gawa ng mga bagong kanta.

Simula ngayon ay masanay na kayo na palagi namin kayong ipapatawag para mag record,mag ensayo, at pakinggan ang mga bagong gawa ninyo. Nagkakaintindihan ba tayo boys?

Louize: Opo sir ben, walang problema po yun samin!

Sir Ben: Good! Pero wag kayo mag alala kasi di naman namin kayo pagbabawalan na mag gig padin doon paminsan minsan sa bar na pinagtutugtugan ninyo at ganon din sa mga nais nyong gawin o kung may mga importanteng lakad din kayo, basta magpaalam lang ahead of time at kung maaari ay wag isasabay sa mga gigs.

Alalahanin ninyo na hindi pwedeng kulang ng isang myembro ang inyong banda, all for one, one for all dapat kayo. Kung nasaan ang isa, nandun ang lahat. At kung maari din sana, kun sakaling dumating na ang panahon na sumikat kayo ng todo ay wala sanang kumalas sainyong lima.

Panatilihin nyong buo parin kayo hanggang sa huli. Kasi yung iba, porke sikat na gusto na mag solo. Hindi namin yun tinotolerate. Dapat kong ano kayo ngayon, yun din sana hanggang sa huli..walang iwanan!

Ngayon ay pwede na kayong magpractice sa recording booth natin, nandyan si Maam leila na gagabay sainyo. Ako naman ay mag aassist din sa mga dapat pang ayusin at syempre, andito din ako sainyo para tulungan kayo, sa ngayon ay busy ako makimeeting para sa mga upcoming events.

Oh, sya sige na aalis na mona ako, sina maam leila at sir kiko mona ang bahala sainyo at ako'y pupunta na ng meeting.


****

Isinama ni mam leila ang banda sa recording booth nila, doon ay pinasample nya ang ang bandang kumanta at pinarinig nya ito sa kanila.

Ma'am Leila: Boys, makinig kayo hah, ganito muna ang gagawin natin ngayon ,magsasample kayo ng isang kanta at ipaparinig ko sainyo right after ng recordings ,ngayon kong ano man ang mapakinggan ninyo na alam nyong pwede pang baguhin, gawin ninyo hanggang makuha ninyo ang tamang timpla ng tono,andyan lang ang audio tech at sound engineer natin para tulungan kayo.

So yung una ay yung original version ng song niyo, at yung pangalawa naman na i rerecord natin ay yung may kakaibang twist/version nyo para magkaroon ng ibang blend.

Pakatapos nun ay ipaparinig natin kay sir ben. Okay ba boys?

Sean: Yes po! Maam leila..

Maam leila: Sige simulan natin dun sa panalangin nyong kanta.yan muna yung fofocusan natin ngayon at pakatapos nyan ay pwede na kayong umuwi.

At nagsimula ng ayusin at iset up ang mga kailangan,  pakatapos nun ay sinimulan na ng banda ang pagkanta, nakakatuwa dahil naririnig na nila ang boses nila hindi lang sa mic kundi sa recordings nito. At alam nilang anytime ay ipapalabas ito sa music industry. 

***

( Set up: Bahay nila pam)

Habang busy si pam mag asikaso ng mga orders ay may narinig syang nag pop out sa kanyang fone.

Pam: Sino kaya yung nagchat?matingnan nga saglit.

Nakita at nabasa nyang si abbie pala ang nagchat, nagpapasalamat ito sa baked product na ginawa nya dahil nagustuhan daw ng lola nya ang tinapay at egg pie na ginawa ni pam.

Abbie: Thank you for the delightful taste of your goodies! My lola lavi really like it!  Hey pam! Im so happy that rey can still remember me!   Youre so kind pam! Hope we can be friends too if you don't mind,  Please?🙏☺️

Pam: Nako eto na nga yun,di nga nagkamali si rey, baka nga makulit din ito, pero sabagay.. masaya lang din naman siguro sya dahil naalala sya ng kaibigan nya. Nakakahiya naman kong tatanggihan ko ito, isa nadin ito sa mga customer namin.. ( tugon nya sa sarili habang pinag iispan ang reply kay abbie)

Pam: Hi abbie, youre always welcome! Thank you.

Abbie: hey pam, can we be friends also? I really miss the philippines. The food, the place and also the people. I know you are  good and kind. I just want to have also a new friend.

Pam: Yes, abbie ofcourse we can be friends.

Abbie: yes! Thank you! I hope that someday, we will see each other. Bythe way kamusta pala si rey?di sya nag oonline ha ganoon ba sya ka busy?

Pam: Ay oo, super busy nun ngayon dahil may humahawak na sakanilang band manager. At soon sisikat na din ang banda nila.

Abbie: Really?! May banda si rey? Oh! Come on, parang gusto ko nang umuwi ng pinas! 

Pam: Sure, bakit namn hindi.. masaya dito sa pinas.

Abbie: Oo nga ehh, at sya nga pala please take note na every monday palagi mong papadalhan si lola lavi ng ube pandesal.. kasi favorite nya yun at yung payment mag aadvance nako for 1 month, so isa na ako sa regular customer nyo!

Pam: Wow! Salamat ha! Oo sasabihan ko si rey na palaging padalhan ay iyong lola.

Abbie: yep! No prob ! Ako dapat magpasalamat saiyo dahil kung hindi dahil saiyo ay siguro hanggang ngayon naghihintay pa rin ako sa chats nyang parang walang pag asang ma seen! Sobrang namimiss kona kasi sya eh. Sobrang tagal ng panahon na ang nakalipas pero saakin hinding hindi ko sya makakalimutan. 

Pam: Sige, wag ka mag alala at palagi kita ikakamusta kay rey, oh sige ha may inaasikaso kasi ako, salamat sa walang sawang pag order!

Abbie: youre welcome! Salamat at magkakaroon na ulit ako ng way para makausap at makamusta si rey..

****

(Hmm.. i smell something fishy kay abbie, parang hindi lang as friends ang nararamdaman kay rey, wagas ang pag ka miss sa binata. Ano kaya ang totoong pakay ni abbie kay rey?  )

MAPAGLAROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon