Beauty🌾1

9.1K 226 27
                                    

BEAUTY 1

Bakasyon


"Sigurado ka? Dadalo 'yon?" gulat na gulat ang boses niya. "Bakit siya dadalo? Hindi naman tayo nag-imbita ng mga Wyorck, hindi ba?"


Sinundan ako ni Ava sa labas na kusina dahil huhugasan ko pa itong karne at hihiwain para bukas. Malalim ang bawat paghinga ko. Wala pang Wyorck ang dumadalo sa pista namin. Hindi na kailangang tanungin kung bakit. They are only exposed to high end parties.


"Oo nga. Nabunggo ko pa kanina. Kadiri."


Hindi ko makontrol ang galit ko. Kapag talaga may ginawa sa atin na masama ang ibang tao, hindi natin mapigilan na idamay ang malalapit sa kanila. We think that they are all the same. Hindi siya ang pumatay sa Papa ko, pero ang katotohanang ama niya ang may pakana... hindi ko mapigilan ang sarili ko na idamay siya sa poot ko.


"Grabe talaga epekto sa'yo ng mga Wyorck, ano? Nagiging maldita ka. Nakaka-aliw ka tuloy panuorin," aniya na nasundan ng halakhak.


Sa totoo lang ay ayaw ko na ganito ako. My parents raised me to be good always. Because with kindness, you can never be wrong. Iyon ang sinabi sa akin ng Mama ko noong bata pa lang ako. I believed in that, reason I never let hatred ruin the goodness in me. But the Wyorcks ruined my notion about it. They broke my perspective. Now I think that goodness is only given to those who are good.


"Kung tumulong ka na lang sa akin, Ava, edi mas maganda?" Ayaw ko na lang munang pag-usapan sila.


"Mas maganda ako," malakas siyang tumawag kaya natawa na rin ako.


Tinulungan niya akong hugasan ang mga karne. Akala ko ay hanggang doon lang ang gagawin niya. Pero nang tulungan niya rin akong maghiwa ay halos magdiwang ako. Madami kasing lulutuin dahil nakasanayan na itong gawin.


Lumingon ako sa harap at nakita ang palayan. Nandito kasi kami sa likod nagtatrabaho ni Ava ngayon. Gawa lang sa kawayan ang kusina rito at kitang kita ang maaliwalas na sining sa harap. I sighed full of calmness.


The dancing grown wheat in the paddy is really pleasing to the eye. I'll never get tired of watching them no matter what happens. They are part of my growing and this is the best gift my father has given me. Hinding hindi ko ito hahayaang mawala sa akin.


Ito na lang natitira sa akin. Malawak pa naman, pero kung ibabalik ang mga ninakaw sa akin ay mas malawak pa sana. Hindi naman ako gamahan sa lupain, pero pinaghirapan ito ng mga magulang ko. Natural lang na pahalagahan ko. At isa pa, people in here depend on my land. It provides for their needs for their living.


Simula bata ako, pagkatapos mag-aral sa eskwelahan ay dito ako dumidiretso. My dad wouldn't mind if I play there with my uniforms on. My happiness is his happiness, that's why he never forbids me on things I love to do and will want to do in the future. He told me that this is my life, so I should learn how to choose and decide for myself.


Even if I told him I don't want to be a professional teacher, he let me. Even if it's my greatest life desire, we both let go of it. Maybe it's my contentment to my usual living that I chose this kind of life and this land. I think... I couldn't wish for more. And outside this place is a bigger world. I don't think I could stay in that kind of society.

The Beauty Of The Commoner   | Wyorck Series #3 |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon