Beauty🌾28

3.6K 118 31
                                    

Consecutive updates dahil baka maging busy ako this week. Huhu. 


BEAUTY 28

Congratulations 


The deafening silence was making my bones tremble in nervous even more. Hindi ko naman alam na ganito ang magiging reaksyon ko sa una ulit naming pagkikita. Naninibago ako at parang gusto ko na lang lagpasan siya.


His eyes remained the same. Sa akin nakatutok at para walang balak na ituon sa iba. Gusto kong punahin ang pagtitig niya pero nagsimula na siyang magtanong. Napapitlag pa ako dahil ngayon lang ulit narinig ang kanyang boses.


"Why didn't you tell me you're here?" mahina ang pagkakabigkas niya. "You don't know how much I was dead worried... Bakit... bakit wala kang paramdam?" malamig niyang dagdag.


Malalim akong huminga, hindi alam ang unang sasabihin. I did not rehearse or what... Marami rin akong gustong sabihin pero ang problema ay kung saan magsisimula. Naka ilang bukas sara tuloy ako ng bibig.


"Can we walk over there?" wala sariling tinuro ko ang boardwalk pabalik sa gazebo. Gusto ko lang naman na sa iba matuon ang atensyon niya. Hindi ko ata kakayaning nakatayo lang sa harap niya at buong oras na nilalamon ng kanyang mga titig.


Hindi siya umimik. Nagtagal pa ang titig bago kami tuluyang naglakad, mabagal lang ang ritmo. Hindi siya nagsasalita kaya palagay ko ay hinhintay niya akong magpaliwanang.


"I don't think I should tell you... And I was asleep for more than two years so..." nagkibit balikat ako, akala mo naman ay kumportable sa sitwasyon. Gusto ko na lang atang malunod dahil sa kaba at panlalamig!


"You... What?" gulong tanong niya at nakitaan ko ng galit sa mga mata. Nag-aalab ang mga 'yon at pakiramdam ko anytime magwawala siya.


"I was unconscious for more than two years... I fell on the cliff and that was the result... Comatose..." tipid akong ngumiti para sana pagaanin ang mabigat na atmospera.


I heard him curse and it sent shivers down my spine. "I-I... I'm so sorry... I shouldn't have left you. I don't fucking know something bad will happen..." halos makapusan na siya ng hininga.


Tumango ako dahil sa nagdaang panahon ay natanto kong wala naman siyang kasalanan. "You just did your responsibility... And it was meant to happen... And I'm kinda thankful for everything since... it made a really big change on me."


How can we talk so casually? O ako lang ang ganito? Kinalimutan ko naman na ang nangyari sa amin noon... Pero ang nalaman ko kay Mama... hindi ko yata makakalimutan 'yon. Paano ko makakalimutan ang isa sa mga pinakamalaking kasinungalingan na buong puso kong pinaniwalaan at pinanindigan?


Habang naglalakad ay ramdam ko pa rin ang malalim niyang titig. When I glanced at him, I saw his eyes bloodshot and full of pain. Mabagal akong nag-iwas ng tingin dahil hindi ko kayang magtagal sa mga titig niya. Tinignan ko na lang ang dagat na medyo malapit dito at ang white sands na nasa ilalim ng dinadaanan naming boardwalk. Hindi ako tumuloy sa gazebo dahil pakiramdam ko hindi ako makakahinga ng mabuti roon...

The Beauty Of The Commoner   | Wyorck Series #3 |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon