Beauty🌾6

5K 147 24
                                    

I revised the story. The updates will resume probably on Monday, at tuloy tuloy na. I hope I could see thoughts and comments from all of you. It's really helpful for me. Thank you and keep safe always! Mahalaga ka.❤


Silence


Maaga akong nagising dahil marami pang gagawin. Pinuntahan ko pa ang kabayo ko at kinausap ng kaunti habang nagkakape sa likod ng bahay ko. Pagkatapos ng mga gawain ko, naligo na ako at naghanda para sa gagawing surpresa.


I took out the cakes inside my old refrigerator and placed it on the table. I also fixed the party poppers and aired some balloons. Nang dumating si Ava tinulungan niya ako.


"Kahapon ay nadulas ang dila ko tungkol dito! Buti na lang at nagawan ko ng paraan!" tumawa siya habang tinatali ang lobo at sunod ay nilagyan ng stick.


"Anong pinalusot mo? Bakit gano'n ang ekspresyon niya kahapon? It's like he knows something... Parang alam na niya na siya ang susurpresahin natin." Tumayo ako at pumunta sa salamin para suklayin ang tuyo ko nang buhok. Nakatingin ako sa repleksyon ni Ava sa salamin.


"Sabi ko party lang para sa mga bata at imbitido siya. Siguro kaya siya natuwa kahapon gaya ng sabi mo dahil nga hindi makapaniwala na imbitado. Sabi niya pa kahapon... Talaga? Are you serious that I'm invited? I don't want to piss her off." Natawa ako dahil nagboses lalake pa siya. Kaya nan bumalik ako ay pinalo ko ang lobo sakaniya.


"You're really entertaining..." tawa ko.


"Baka sa.kaniya ka na entertain?" pangungutya niya at sinundot pa ang bewang ko. "Baka magustuhan mo, a!"


Umirap ako at umiling. "How can you like someone who's related to the person who killed your father? Mahirap, Ava. Kahit nga pagkakaibigan ay ang hirap nang ibigay, pagkagusto pa kaya?"


"Oo na, oo na!" malakas siyang tumawa at hindi na nang-asar pa.


Si Gab ang nag distract kay Zaico dahil baka biglaang pumunta rito. Para pa namang alibot 'yon. Mabilis at mabibigla ka na lang na nandiyan na siya sa tabi tabi, o kaya naman nakasunod sa'yo.


"Ang dami naman, Ate!" tuwang tuwa si Josie at ang mga bata habang tinitignan ang lamesa na may cupcakes, cake at ilan pang pagkain na pinaluto ko na lang.


"Para sa inyo rin naman 'yan. Kain kayo ng marami mamaya, ha?" malambing kong sinabi. Sabay sabay silang sumang-ayon at pumwesto na sa harap ng lamesa.


"Nag effort, ah. Sa idea pa lang ay halatang pinag-isipan na ng matagal!" pagpaparinig sa akin ni Ava habang may hawak na party popper. Sa kaniya ang pinakamalaki samantalang wala naman akong hawak. Malaki na ang ambag ko rito...


"Mga bata ang nag-isip sa iba diyan!" medyo inis kong sabi at pumwesto na sa gilid, sa dulo ng banner na ginawa ng mga bata kahapon sa bahay nila Josie. 'Thank you, Kuya Zaico!' ang nakalagay roon.


Tahimik na lang ako habang hinihintay ang pagdating niya. Si Gab ang magdadala sakaniya rito at papunta na raw sila. Nasa gilid lang ako at nakahalukipkip, seryoso ang ekspresyon.


Ayaw ko talaga na pinipilit nilang may nararamdaman ako kay Zaico o kaya naman magugustohan ko siya pagdating ng araw. It's so hard to convey that thought. It's like... if ever that happens... I'll be forever haunted.


Pakiramdam ko ay maisasantabi ko ang pagkamatay ng Papa sa kamay nila. I don't want that to happen. I don't want to have a heavy connection towards them. For me, it's betrayal.


The Beauty Of The Commoner   | Wyorck Series #3 |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon