Beauty🌾5

5.3K 146 19
                                    

BEAUTY 5

I miss that look


Umaga na at narito kami sa gilid ng lawa. Hindi pa ganoon kainit dahil alas nuwebe pa lang naman ng umaga. Sa katunayan nga ay masarap pa ang ihip ng hangin. Nakakaantok pa ang ingay ng agos ng tubig.


I decided to teach today since I've been told my students slash children already missed me. Nawala kasi ako sa wisyo these past few days. I cleared my mind, and now... somehow... I'm now fine.


"I'll help, can I?" ang boses ni Zaico ay umaasang papayag ako. Nakatayo siya sa harap ko at seryoso ang mga mata. Magulo ang buhok at maganda ang kasuotan.


"Galing na 'to sa'yo, hindi ba? Bakit ka pa tutulong? At saka madali lang naman ang gagawin dito. Hindi na namin kailangan ang presensya mo rito. Just sit and do your usual thing as a prince. Just watch."


I don't want to sound harsh, pero sa tuwing siya ang kausap ko ay hindi ko pa rin mapigilan. Kahit ayaw ko nang maging malupit sa kanya ay hindi ko maiwasan. I'm always telling to myself that it's okay. It's hard to forgive and it needs process. It's still on process and I shouldn't rush it.


Bumuntonghininga siya bago ko siya tinalikuran at dumiretso sa mga bata na iniwanan ko lang ng activity. They are all busy answering, but they couldn't stop themselves from staring at their new school stuffs every time. They are all excited to use it so I asked some of the guys I know to help and prepare it. Para bukas ay okay na.


"Ate Shekinah, ang ganda ganda ng mga gamit!" sigaw ni Ayan at niyakap ako ako. I chuckled and bent down. I pinched her little but chubby cheeks.


They are all so happy. Kahit hindi galing sa akin ang mga 'to ay sobrang saya ko pa rin na makita silang ganito kagalak at buhay na buhay. They really look so inspired. Basta masaya sila ay ayos na ako. Not fully, pero at least ay nababawasan ang kalungkutan ko sa buhay.


"Magagamit niyo na 'yan bukas. Pero... dapat ay magpasalamat kayo sa lalakeng nasa likod ko," bulong ko sa kaniya. Nilingon niya naman ang tao sa likod ko.


"Gusto mo ba sorpresahin natin siya, Ate?" tanong ng kaibigan niyang si Cara.


Natigilan ako roon. Hindi ko alam ang isasagot ko. Nakatitig lang saakin ang mga bata at hinihintay ang magiging reaksyon ko. I sighed and stood up.


"Ate, niregaluhan niya kami. Dapat lang na regaluhan din namin siya!" si Ayen.


Napatingin ako sa likod ko dahil sa lakas ng boses niya. Nakita ko kaagad si Zaico na nakapamewang at seryosong kinakausap ang mga tauhan niya. Isa 'yan sa mga pinagtalunan namin. He wants his men to do it but I refused. Sa huli ay napapayag niya akong kahit papaano ay tumulong ang mga tauhan niya.


Nang mahuli niya akong nakatingin ay tinaas niya ang dalawang kilay niya at gumaan ang ekspresyon. It looks lighter than his usual reaction. Nagtatanong ang mga mata niya, at sa huli ay umiling lang ako at tipid siyang nginitian.


"Okay. Let's thank him tomorrow?" umupo ako sa damuhan at inayos ang palda ko. It's long so I don't have a problem with it. I don't really wear short dresses. It makes me feel so uncomfortable.

The Beauty Of The Commoner   | Wyorck Series #3 |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon