Beauty🌾16

3.8K 126 14
                                    

BEAUTY 16

Iyakin 


Hindi ko alam kung ano talaga ang nagawa ko sa kanya at ganito na siya makitungo sa akin. Not that it's a big deal to me though. Hindi lang ako sanay na siya ang umiiwas sa akin. Kahit hindi ko naman intensyon na lapitan siya, lalayo at lalayo sa akin. 


Nahahalata ko naman dahil ganoon ang gawain ko noong nakaraan. Itinigil ko nga lang dahil parang wala din namang saysy ang pagtatago ko noon. He would always find a way to look for me and spot my location.


He's with Lila right now and they're talking about something I don't care about. Kanina pa sila nag-uusap at nakakapagtaka talaga dahil ayaw niya naman si Lila, o baka naman... nagpapakipot lang noon?


"Ate Shek!" sigaw ni Josie.


Galing sila sa palayan at tumatakbo papunta sa akin dito sa malaking bato dahil dito ako nagpapahinga, may malaking puno kasi sa tabi ko.


"May nahanap po kaming eel!"


Halos mapatakbo ako sa narinig kay Ayen. I really hate eels for a reason they look exactly like snakes! Nakahawak na ako niyan noon, aksidente, at ilang beses akong nadulas sa palayan dahil sa takot. Alalang alala ko pa na marami akong natamo na sugat noon!


"Huy, tama na 'yan! Ayaw ng Ate Shek niyo sa mga ganyan! Mga ahas!" sigaw ni Ava na parang may ibang kahulugan ang huling salita.


"Ayen, I'll buy you a pack of chocolates just..." Napatili ako nang tumakbo na sila papunta sa akin.


Tumakbo ako sa likod ng puno. Plano kong makipag-ikutan na lang para play safe. I really am scared of that kind of creature, that's why sometimes I am scared of walking on the rice fields as well. I feel like anytime something like it would appear. Lalo na kapag tag-ulan!


Tawa lang sila nang tawa kahit sinasaway na sila ng mga magulang nila. Kahit sinisigawan ko na rin ay parang walang mga naririnig.


"Ava!" sigaw ko sa kanya nang tumatawa na lang sa gilid.


Umikot ulit ako sa puno dahil umikot silang anim. Grabe na ang kabog ng puso ko dahil sa matinding kaba.


"Hindi ka naman papatayin niyan, Shek, chill ka lang!" sigaw niya 'tsaka siya kumagat sa hawak niyang tinapay. Prenteng prente lang siya roon, parang ilang taon nang walang problema.


Akala ko hihinto na ang mga bata pero nagbulongan lang pala! Malakas ang pakiramdam ko na may plano ang mga 'to. I get that they're smart but they should use it wisely and not to take advantage of someone else's weakness!


"Oh, no, no, no!" sigaw ko nang maghiwalay silang anim, bali dalawang grupo at dalawa ang may hawak ng eel.


Hindi ko na magagawang makipag-ikutan dahil makukulong ako kung sakali kaya tumakbo na ako kung saan. I don't care if I look so carefree now or whatsoever. I don't even care at all if I look insane now! All I think right now is how could I get rid of their silliness!


Nakarating na kami sa mabato na parte na mabato at halos lumuwa na ang mga mata ko nang muntikan na akong madapa. May humawak sa kamay ko at mabilis akong nahila patayo. Sumabog ang buhok ko kasabay ng pag kayakap ko kay Zaico dahil sa lakas nang pagkakahila niya sa akin.


Taas baba ang balikat ko habang naririnig ang mga tili ng mga tao na tila ba nanonood sila ng isang palabas at kaming dalawa ang bida. Ramdam ko ang diin ng hawak ni Zaico sa bewang ko. Tinulak ko siya ng mabagal para makawala sa yakap niya. Nagparaya naman siya kaagad.


The Beauty Of The Commoner   | Wyorck Series #3 |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon