Beauty🌾23

3.8K 126 14
                                    

BEAUTY 23

Happy Birthday


We only celebrate our birthday once in a year, but some don't. Isang beses lang sa matagal na panahon kaya siguro ang iba ay pinaghahandaan. It depends to us how we want it to be celebrated. As for me, I do it alone. Everytime.


Dati, naalala ko pa, grabe kung igunita ang kaarawan ko. Back when the days we're still complete, and even way back when I still have my father with me. I actually miss the old days. I mean, who wouldn't? I am an only child, and I had a perfect family. Before.


They know my birthday. People here know my birthday. And when I say people here, I mean everyone in here knows it. For me, that's already a special form of celebration.


I know some people who had grand celebrations but people only come there to eat and not totally celebrate the additional year of existence. Iyong iba nga hindi pa alam na birthday party ang dinaluhan. It's always the thought that counts, you know.


"Any plans for your birthday?" tanong ni Zaico habang paatras ang mga hakbang, nakaharap sa akin.


Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko sa tuwing magkasama kami intensyon niyang magmukhang gwapo. Parang... nagpapacute minsan o kaya... alam mo 'yon... malayo sa natural niyang itsura madalas kapag kasama ang iba o kausap ang mga gwardya niya. Iba ang dating sa akin.


"I don't do that... Kailangan ba? Batas ba 'yan sa inyo?" tanong ko habang mabagal na humahakbang dahil baka magkabungguan ang mga paa namin, mahulog pa ako sa kany.


Maliit lang ang distansya sa pagitan namin. Paminsan minsan nga ay humihinto pa ako dahil sa bagal niyang maglakad. Alam ko na ang gusto niyang mangyari. Tss.


Tumawa siya. "Sinong tanga ang gagawa ng gano'ng klaseng batas?" taas ang dalawang kilay niya kaya may kurba sa kanyang noo.


I shrugged. "Kayo? Hindi ko alam. Kayo naman ang gumagawa ng mga batas, 'di ba?"


Malakas siyang tumawa. "Damn, you just sounded like you're pertaining to us as stupids..."


Kumunot ang noo ko at binalikan ang sinabi kanina. Natanto kong oo nga. Natawa tuloy ako at sinabayan niya 'yon. I don't mean it...


"I'm sorry... Ayaw ko kasi 'yong usapan. I am not used to birthday celebrations anymore," diin ko habang patuloy kami sa paglalakad.


"I heard you celebrate your birthday--" pinutol ko na agad tutal alam ko naman na ang sasabihin niya. Ava told him for sure...


"That was before. Noon lang, Zaico, at hindi na ngayon, at matagal nang hindi ganoon," paliwanag ko at umirap dahil sa paraan ng paninitig niya. "Ayaw ko na ng ganoon..."


Nagtaas siya ng kilay. "Hindi halata na ayaw mo. You look like you're wishing to bring those memorable old days back in time... You can still have it, Shekinah. We can still do it..."

The Beauty Of The Commoner   | Wyorck Series #3 |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon