Beauty🌾20

4.2K 125 16
                                    

We're now in the half of the story. Can't wait for the next chapters.


BEAUTY 20

Chances


"How was it? What did she tell you? She wasn't telling me anything. Even If I bribe her or what she just wouldn't talk! I am just curious, Shekinah, so please, if you mind would you please tell me?" Zaico pleaded.


I don't know why he's acting this way. Nag-usap kami ng kapatid niya at wala naman gaanong detalye ang naisambulat. Just the things... you know... not so important.


"We just talked about hardships?" hindi sigurado ang boses ko. Binuhusan ko ulit ng tubig ang luma kong pick up.


"Hardships, seriously? My sister would never indulge herself to that kind of stuff. Ano nga? Just tell me..." kumbinsi niya at kinuha ang timba sa sahig.


He's wearing a sleeveless shirt showing almost all of the side of his body, including his abs and matured muscles.


Wala naman talagang mahalaga. I just know that she's one of Ava's kind... the shippers of me and Zaico. Shipping something unattainable. Hindi ko alam kung paano nila naiisip ang mga ganoon. 


Hawak niya pa rin ang timba at walang balak na bumalik para kumuha ng tubig. Siya ang nagprisinta na mag-igib ng tubig kaya hinayaan ko... Now he's here... chasing my answer.


"Alam mo, Zaico, kapag sinabi kong wala, uhm, wala talaga. She did not say anything so valuable. All just about apologies and..." nabitin ang boses ko dahil walang maidugtong. Napapikit ako dahil sa inis sa sarili.


"And?" tanong niya, desperadong may makuhang sagot sa akin.


I am car-washing right now and I am thankful he's helping since Gab had a duty to take over. Kanina pa siya pabalik balik sa pagkuha ng tubig. Alam kong pagod na rin siya kaya siguro nangungulit na lang. Imbes magpahinga ay mas gustong mangulit.


Should I say that her sister is rooting for us together? Kung sasabihin ko kasi, mahabang usapan na naman, 'tsaka panibagong pangungulit na naman ang aasahan ko panigurado. Ayaw ko pa naman nung usapan...


"Ano ba ang ang gusto mong marinig?" para kasing may inaasahan siya, e. Sa mga mata niya, halatang marami. Hindi ko nga lang mapangalanan ni isa.


"Well..." sumandal siya sa hood ngpick up ko, magulo ang buhok at pawisan. He still looks so unordinary. "Anything will do," kibit balikat niya.


"I think you want a certain topic to hear. Sabihin mo na," sabi ko at humalukipkip. Pawis na pawis na rin ako kagaya niya. We're both tired here now.


Tumawa siya sa harap ko. Napansin ko and detalye sa kanyang braso. He obviously drowned himself in the gym. Bumabakat din ang dibdib niya sa kanyang damit na ngayon ay basa na. simple clothes still make him look dashing.


"Actually... She told me something. She told me something about... uhm, you know... chances?" naglalaro ang ngisi sa kanyang labi. Pinasadahan niya ang kanyang labi at tinagilid ang ulo.

The Beauty Of The Commoner   | Wyorck Series #3 |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon