Beauty🌾30

4K 101 20
                                    

BEAUTY 30

Terms


Nakaupo na ako ngayon sa isang malaking bato. Zaico put me here after a very long hug. When I say a very long hug, it's really very long, and I mean it. Tahimik lang ako dahil napagod sa kakaiyak kanina at medyo tinatamaan na rin ng kahihiyan dahil sa pag breakdown kanina.


Wala akong ibang nagustuhan simula bata ako. Wala akong naging crush o kung ano pa man... Siya lang itong nag-iisang lalaki na nakasama kong nakapagbigay sa akin ng iba't ibang emosyon. And I must admit that being away from him just worsened my affection towards him.


"You okay now?" he asked while still wiping my forehead for its bullet sweating.


Tumango ako at hindi na mawari ang dapat gawin. Bumigay ako. I know he said he's gonna wait for my mind's recovery... for my self's recovery... pero paano? He always say he's not rushing but always end up making things on his ways. How can we do what he said, then? Iyon ang kailangan ko.


"When you said you're gonna wait, you mean it, right? Kasi... seryoso ako sa mga sinabi ko na kailangan ko talaga ng panahon. To think and all. You know our situation..." sabi ko at inangat ang tingin sa nakatayo na si Zaico. Nasa harap ko.


His eyebrows flicked in unison. He sighed and nodded. "I mean it, Shekinah... I know so bad that this is a very serious matter. Seseryosohin ko rin ang mga sinabi ko lalo na't..." pagbibitiw niya at tumaas ang dulo ng labi. I know what he meant by that. Dahil sa binitawan kong pangako. If wasn't mistaken.


"I need you to stay far from me," sabi ko at dumilim kaagad ang kanyang mata. "I mean... you can't go running to me anytime you want to... I need a distance. For now... I need you out of my system."


"So... you're talking about your terms?" tanong niya. Mabagal akong tumango at ganoon din siya. "Let me hear all of it, then."


Bumuntong hininga ako at nagsimula na. "Just as what I said, we can't go closer with each other. I still want to free my guilt. Siguro okay na sa'yo... sa akin hindi pa. Things are still heavy for me..."


Tumango siya at seryosong nakikinig. Nababahala ako kasi iyong mga mata niya bumababa sa labi ko. Umiikot ang mga mata niya sa mukha ko, bawat sulok. Umurong siya sa akin at nilagay ang tuhod sa gitna ng mga binti ko.


Nandito pa rin kami sa likod ng orphanage. Sa gilid namin nandoon iyong pinagsilipan kong halaman na nakahulma parang cupid. Sa likod ko ay dingding ng orphanage. Nakaupo ako sa bato at sa harap ko ay ang malanding si Zaico.


"But... can I see you secretly? You won't see me watching you, I promise..." nagbabakasakaling tanong niya. Nararamdaman ko ang hininga niya dahil sa lapit niya sa akin. Ano ba ang ginagawa niya?


I sighed and glared at him. Hindi dahil sa sinabi niya, kundi sa ginagawa niya! "I said I want a distance!" diin ko. "Ngayon pa lang hindi mo na magawa..." puna ko.


Umurong siya paatras. Kaunti lang! "Huli na muna ito na ganito kalapit 'di ba? Hindi ba pwedeng... sinusulit?" makahulugang ngisi niya. Hindi ko na lang pinansin.

The Beauty Of The Commoner   | Wyorck Series #3 |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon