Beauty🌾24

3.6K 116 17
                                    

BEAUTY 24

Unfair


Nakailang buntong hininga ako dahil sa pag-iisip. Until now, I still don't know what to answer. Honestly, I want to give him a chance, but I am still in doubt. I can't just jump into it, disregarding the consequences.


Hindi rin alam nina Gab ang sasabihin sa akin. Kasama ko sila ngayon habang naglalakad galing sa mini farm. Kumuha lang kami ng strawberries para sa strawberry jam.


Zaico is nowhere to be found. I don't know where he is or when he left. Ang alam ko lang ay may urgent business siyang inatupag dahil 'yon naman ang sabi ng dalawa niyang naiwan na tauhan.


He left his two men for me. I don't like being followed or caged so I let them do whatever they wanna do. Umalis yata sila dahil hindi ko naman na makita.


"Hindi naman masama kung bibigyan mo ng... chance, Shek... pero hindi ba masyadong mabilis?" opinyon ni Gab. Nagkibit balikat lang naman si Ava at nag-iwas ng tingin.


"Iyon nga rin... Gusto ko pang pag-isipan pero isang araw lang ang binigay niyang panahon. Kung hindi ang sagot ko ngayon, bibigyan niya ulit ako ng singsing. Ayaw ko naman ng gano'n."


Baka pa isipin ng mga tao, o pati siya, na iyon lang ang habol ko kaya pinapatagal. Hindi naman alam ng ibang tao, pero syempre, kalaunan ay malalaman na rin nila. At masyadong magastos.


"Kung 'yon lang ang iniisip mo, tumanggi ka na lang muna. Madali lang naman sabihin na hindi ka pa handa... o kaya naman ay ayaw mo. Maiintindihan niya 'yan kung gusto ka talaga niya... Huwag mo na lang isip ang singsing," dagdag ni Gab at sumipa ng isang bato.


Nilingon ko si Ava dahil kailangan ko rin ang opinyon niya. How odd that she's not spilling out her opinions. Dati naman ay grabe siya magbigay, halos hindi maubusan.


"Ako? Uhm..." nilingon niya si Gab bago huminga ng malalim. "Hindi rin masama kung pagbibigyan mo. Ligaw lang naman... hindi naman kaagad magiging kayo kung... oo ang sagot mo ngayon. Sa huli, nasa sa iyo pa rin ang desisyon..." mahinang sagot niya, nagdadalawang isip.


Napapikit ako ng mariin at suminghap. They got different notions. How can I team up with them? Mas madali sana kung pareho sila ng opinyon para madali na lang magdesisyon.


"Ano ba ang sa'yo? Isantabi mo ang opinyon namin ni Ava. Ano kung sakali ang sagot mo?"


Nagkatinginan kami ni Ava at nagpipigil siya ng tawa. I bit my lip and answered. "Yes... I'd answer yes since... ligaw lang naman? I don't know," mabilis kong sinambit ang huli kong sinabi.


Tumango tango silang dalawa. "Bakit mo pa kinukuha ang opinyon namin kung may sagot ka na pala?" si Gab.


Tumaas ang dalawa kong kilay. "Hindi pa naman ako sigurado. Pero... kung ako nga ang tatanungin, oo ang sagot ko..."


"E, ikaw naman talaga ang tinatanong!" tawa ni Ava at pinalibot ang kamay sa braso ko. Natawa rin ako.

The Beauty Of The Commoner   | Wyorck Series #3 |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon