Beauty🌾19

3.9K 132 15
                                    

BEAUTY 19

Both Of  You



"Dinig ko sinamahan ka niya, a? Ilang araw na ang nakalipas,bakit 'di mo manlang sinabi sa akin?" nagtatampo ang kanyang boses habang nakahawak sa braso ko.



We planned to treat the kids today . Kasama namin sila ngayon dito sa court na medyo malapit sa bayan. May mga nagtitinda rito ng mga meryenda tuwing alas nuebe hanggang alas singko ng hapon.


"Hindi naman kailangang sabihin? Sinamahan niya lang naman ako..." sagot ko at nakinig kay Josie.


"Ate, pwede pong bumili kami ng ice cream tapos mag fishball, pa?" tuwang tuwa niyang tanong.


Tumango ako. "Kain lang kayo, ako ang magbabayad sa lahat mamaya, okay?" malambing kong sabi at ginulo ang buhok niya bago siya tumakbo pabalik matapos magpasalamat.


"Hindi kayo nag-kiss?" biglang tumambad sa mukha ko ang mukha ni Ava na siyang ikinagulat ko.


"Hindi! Ano ba 'yang iniisip?!" sabay alis ko ng kamay niya sa braso ko. "I just told my father na kakaibiganin ko na 'yong tao tapos kiss? And that's not gonna happen, okay? Never..."


Umirap siya, dismayado sa sagot ko. "Ang bagal niya naman. Ang bagal niyo naman!"


Hindi ko ba alam sa babaeng 'ro, hindi matigil sa pagpupumilit sa aming dalawa. Aniya'y bagay raw kami at paniguradong maganda ang magiging lahi ng mga anak namin kung sakali raw na magkatuluyan kami.


"Kapag kinasal kayo, bridesmaid mo ako, okay? Tapos ako ang mag-aalaga sa baby niyo kapag busy kayong dalawa..."


I groaned and walked away from her. Sinundan niya ako kaya huminto ako sa isang bench at doon naupo. Naupo rin siya.


"I will play with your kids! Kahit maging yaya pa nila ako ayos lang! Basta isama mo ako kung saan ka, a? Hindi ako sanay na wala ka sa paligid ko. Kahit maging personal bodyguard mo na si Gab," patuloy niya habang humahagikgik sa tabi ko. She's curling her hair with her finger. Insane! 


"Stop shipping me with him! My goodness, I don't like him, Ava!" bulyaw ko pero kumpara noon ay mas mababaw na ang inis ko. Maybe because we evolved to being friends? We're friends now, the reason why I am being so cautious of my words and actions. I treasure all my friends.


"Not now... but maybe soon? Hindi natin alam, Shek! Mas mabuti nang handa ka, okay?" aniya at sabay naming nilingon ang kadarating na mga kotse. "Royalty cars ba 'yan, Shek?"


Hindi ko alam ang itutugon kaya inabangan ko ang pagbaba ng mga tao roon. There are lots of cars around one red exotic car. Bumukas ang pinto at laking gulat ko nang makilala ang mga lumabas roon.


"Nandito ang mga Wyorck?" bulong ko nang bumaba si Liana sa kotse at nasundan ng kapatid ni Zaico. It's Zan, I think?


Their overall appearance shouts money and power. Their postures and grace are the proofs they hold a higher title than the people here. Naglalakad sila papunta sa amin habang napaliligiran ng mga gwardya. They're getting so much attention right now and people started to lock their eyes at us when they finally stopped right in front of us.

The Beauty Of The Commoner   | Wyorck Series #3 |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon