Beauty🌾15

4.1K 132 19
                                    

BEAUTY 15

Bittersweet


Patuloy kami sa paglalakad. Nakabalik na siya matapos tawagan si Ezekiel. That took longer than I expected. Siguro ay tungkol lang sa opisina nila. 


"You sure you'd keep that thing? That looks ugly," aniya habang nasa tabi ko, naglalakad ng mabagal.


"It's not ugly. It looks pretty to be honest. And I got a feeling that... it's something special," I probed softly.


Hawak ko pa rin ang pendant at bahagya pa itong hinahaplos. It's a round vintage pendant. It's like a coin, and around the circle there are connecting swords forming the alphabet x. In the middle of the circle there's something engraved in it. Hindi ko nga lang makita ng mabuti dahil nababalot ng dumi. Binulsa ko na at kinalma ang sarili.


"You appreciate everything, really? Why can't you appreciate me?" he blabbered out of nowhere.


"Alam na alam mo ang sagot, Wyorck," tugon ko sa biro niya. He was a bit chuckling so I know he's throwing a joke.


"Yeah, right," he said, dismayed.


Tuloy tuloy lang kami sa paglalakad. Magtatanghalian na pero wala pa rin sina Ava. Wala rin daw natatanggap na mensahe o tawag si Zaico mula sa kanilang dalawa. They must've bought a lot, huh?


"Where do you want to eat? Wala akong alam na restaurant dito," untag ng katabi ko at halos matawa ako. Tumigil kami sa paglalakad dahil doon.


"If you're looking for fancy restaurants, stop looking for one now. Wala ka talagang mahahanap dito, okay? Mga maliliit lang na stall ang makikita rito," sabi ko, natatawa pa rin.


Mukha kasi siyang problemadong problemado kanina nang sabihin niyang wala siyang mahanap na restaurant. Gusto ko nga sanang humagalpak sa tawa kaso pinipigilan ko lang ang sarili ko.


"What's funny about it? Wala na tayong makakainan, masaya ka pa," seryoso niyang tanong kaya tumigil na ako sa pagtawa at sumeryoso rin.


"Ano naman kasi ang tingin mo rito? Kakaiba ito sa Royalty M niyo! May mga karinderya rito pero dahil alam kong maarte ka, hindi ka pwede roon. Atsaka... Baka sumakit pa ang tiyan mo..."


He scoffed and turned to his guards. Hindi ko na sila pinansin dahil naging abala ako sa panonood sa mga tao. They are staring at us, very curious. I can't blame them. The situation I am currently in now is really hard to believe in.


Bumaba ang tingin ko sa lupang nilalakaran namin. I was playing with the stone when suddenly the lock on my ankle loosed up. Bababa na sana ako para i-lock ulit nang sumulpot si Zaico sa harap ko at lumuhod para ikabit 'yon. Hindi dumikit ang tuhod niya sa lupa. Nang matapos ay parang walang nangyari, naglakad siya kaagad pabalik sa mga tauhan niya.


I remained staring at him while he's ordering his men with his poker face. Bumaba ang tingin ko sa sandals ko at nagtagal doon. Bumuntong hininga ako dahil sa mabigat na nararamdaman. Halo halo ang nararamdaman ko. Bigla na lang akong nalungkot, natuwa, hindi ko maipaliwanag.

The Beauty Of The Commoner   | Wyorck Series #3 |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon