Beauty🌾8

4.5K 136 8
                                    

BEAUTY 8

Thank you


"Bakit ka naman kasi nangabayo sa gitna ng ulan? Kung hindi ka ba naman —" pinutol ko kaagad.


"Ano, Ava?" I chuckled and coughed twice. Binalot ko ang sarili ko ng kumot ng mas maigi. Ang lamig!


"Tanga. Kung hindi ka ba naman tanga!" Inulit niya pa. "Pwede naman patilain muna, e! Ano ba ang iniisip mo sa mga oras na 'yon? Ayaw mo siyang kasama na stranded? Wala namang gagawin 'yong tao!" nagpatuloy siya sa pag-aayos ng kwarto ko.


"Paano ka naman nakakasigurado?" I yawned. Ang bigat ng talukap ng aking mga mata. I want to sleep again.


"Ewan ko sa'yo!" inis niyang sabi at pinatong ang likod ng palad sa noo ko. "Ang init mo! Bibili na lang muna ako ng mga gamot mo. Tinignan ko ang medicine kit mo, ubos na ang laman."


Tinapon ko na dahil halos lahat ay expired na. Hindi naman kasi ako madalas na nagkakasakit. Ngayon lang ulit ako nagkalagnat ng ganito. Hindi tuloy ako makatulong sa palayan.


Nang makaalis na siya ay natulog na ako. I really was feeling so ill I just wanted to sleep the whole week. Nagising ako nang nakaramdam na ng gutom. My feeling didn't get any better. Mabigat pa rin ang pakiramdam ko. My head still hurts and it feels like exploding.


Sumandal ako sa headboard at nilagay ang dalawang palad ko bibig atsaka umubo. Nag alcohol ako at sinuklay ang buhok gamit ang palad. Lumandas ang titig ko sa upuan malapit sa bintana.


"What is he doing here?" bulong ko sa sarili. Mas lalong nag-init ang ulo ko nang makita si Zaico sa dulo ng bintana at mahimbing na natutulog. He was covered with white sheets.


I walked towards him. He was in a very deep sleep, I can say. Kitang kita ang makakapal niyang mga pilikmata. I sighed and went back to my bed to contact Ava. I can sense that she's got a part from this. Kasi kung wala, bakit naman magbabantay ang isang 'to?


"Why is he here?" I don't need to mention his name anymore to the line. For sure ay alam na kaagad ni Ava kung sino ang tinutukoy ko. At tama nga ako.


"Ay, sorry! May emergency lang akong pinuntahan, Shek. Nakita ko siya sa bakod ng bahay niya at nagtanong kung nasaan ka. Nasabi ko na may lagnat ka at may emergency ako. He suggested to check on you while I am away kaya ayan, nandiyan siya." tuloy tuloy niyang paliwanag.


I sighed for the ninth time. "How can you entrust me to him, Ava?" I can't believe her. What if something bad happens to me? Isn't she aware of the history?


"I am so sorry, Shek... Pakiramdam ko talaga ay mabait siya kaya nagtiwala ako. Nag-aalala lang din ako kasi baka lumala ang lagnat mo nang wala kang kasama. Mas mabuti nang meron siya. di ba?" pangungumbinsi niya sa akin.


Tinignan ko ang tulog na si Zaico. I think nothing happened to me so I decided to let it pass this time. Siguro kung ako rin ang nasa sitwasyon ni Ava ay ganoon din ang gagawin ko. Pilit kong iniintindi ang sitwasyon.

The Beauty Of The Commoner   | Wyorck Series #3 |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon