Beauty🌾31

3.7K 105 18
                                    

BEAUTY 31

Driver


"I said I'm taking him with me, Gustav! He is my son, too! He is mine! I gave birth to him! I am his mother!" I heard Trixie shout her lungs out. There's no other people here but them and me with Kyron here at the kitchen.


Trixie just got back from somewhere I don't exactly know. Ang alam ko lang ay sa ibang bansa at wala akong ideya kung bakit at eksaktong saan. Nagpatuloy na lang ako sa pag pahid ng palaman sa aking french toast.


"You don't say that after leaving him to me without a word! I don't even know before that we had a child! How could you go running back here like you did nothing terrible?!" Gus replied, very angry.


I don't know why I'm hearing all of these. May sarili akong problema na dapat atupagin pero heto ako at tumatanggap ng panibagong impormasyon na magpapagulo sa isipan ko.


"Just don't mind them. They will also get back together. Mga style nila..." normal na sabi ni Kyron, parang sanay na sa nasasaksihan.


"You know about them?" tanong ko. "Of course, you do. Pinsan mo, e..." sabi ko at kinagat na ang tinapay. Naiwan iyon sa bibig ko habang tinatakpan ko ang palaman.


Tumango siya. "Trixie and Gustav were friends... Hindi ko alam na... You know, they're doing 'it'. Buong akala namin kaibigan lang talaga ang turing nila sa isa't isa. But guess what? We guessed it wrong."


Napanganga ako at tumango. That's... interesting? Naalala ko tuloy si Ava at... Gab. I know Gabe's situation. He's already got promotions and is still single. He was depressed because of Ava's death. I know he loves her... And I hope Ava knew that before she... died. I know she already knows it in heaven.


Sa tuwing naiisip ko iyon ay mas lalo lang akong kinakain ng konsensya ko. Things could've been better for them if not just because of me. That kind of thought often entertains my mind.


"I will get him back! Bakit ba ayaw mong ibalik? I remember you telling you don't want a child! Bakit ngayon... Bakit ngayon ang kapal ng mukha mong angkinin? Ha?!" I heard from Trixie.


Actually, ako ang nagpapasok sa kanya. Pinagkamalan niya pa akong babae ni Gus kanina. Hindi niya naman ako inaway. She just asked and I answered no, of course. Unlike them, we're just 'really' friends.


Tumagal kami ni Kyron sa kusina at narinig namin ang buong detalye ng pag-aaway nila. Kaya gano'n na lang ang gulat ko nang pumasok si Gus sa kitchen para uminom. Para kaming nahuli ni Kyron na may ginagawang masama dahil sa relasyon.


"Uhm..." tumayo na ako. "Bibisitahin ko pa pala si Mama. Maiwan ko na kayo. Bye!" paalam ko dahil sa mabigat na atmospera sa loob. Pati dibdib ko bumibigat!


Nagpalit ako ng madalas kong sinusuot. I just wore sandals and sat in front of my vanity table. Dumapo ang mga mata ko sa kwintas na... na mayroong singsing. Wala na roon ang pendant na may kingdom na Avalon. That was just a tracker.


Hinaplos ko ang singsing na binigay sa akin ni Zaico noon. I smiled for some reasons. It's like sending me to the memories back then. It's somehow making me feel light of everything I've been going through.

The Beauty Of The Commoner   | Wyorck Series #3 |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon