Beauty🌾11

3.9K 157 10
                                    

BEAUTY 11

Lifesaver


It's been days and I still haven't seen him out of his place. Nandiyan pa rin ba siya o umalis na? Everyone is really curious about his whereabouts. Maraming nagsasabi na nandyan pa siya, at marami ang nagsasabi na umalis na.


Why would he stay anyway? He has lots of duties to do. Teka lang, hindi ko siya hinahanap, a? Everyone was just really loud about the issue that he's gone now, the reason I suddenly thought of him. Ngayon ko nga lang siya naisip, e. Ilang araw na pala siyang wala?


"Sobrang sungit kasi ni Shekinah sa kaniya kaya siguro umalis ang prince charming ko!" pagpaparinig ni Lila sa akin habang nasa lawa kami. Kasama niya ang mga kaibigan niya.


"Totoo. Narinig ko siya noon noong pista, grabe ang sungit niya. Akala ko talaga sobrang bait niya, pero hindi pala talaga. Ang plastik, ha!" galing sa kanyang kaibigan.


Hindi ko na lang pinatulan. I have never fought back to anyone. I don't care what they think of me. Ang mahalaga ay kilala ko ang sarili ko.


"Grabe naman sila! Sabunutan ko kaya ang mga 'yan?" inis na sabi ni Ava na kinailangan ko pang hilahin dahil umambang susugod na.


"Hayaan mo na nga sila. Palagi naman silang ganiyan, hindi ka pa nasanay?"


"Kailangang masanay na tratuhin kang ganyan, Shek? Hay, naku! Ako hindi ako papayag kung sa akin nila 'yan gagawin!"


Nakita ko ang pag-irap ni Lila at hinila na ang mga kaibigan paalis ng lawa. Bumuntong hininga ako at umupo na lang at sumandal sa puno.


Tapos na ang klase at binabantayan ko na lang ang mga estudyante. They are currently playing near the lake. Paminsan-minsan ay pinapanuod ko sila dahil baka kung mapano.


"Nakakainis talaga!" pagmumuryot ni Ava sa tabi ko.


Tumawa ako. "Hayaan mo na nga!" Kasi kung papatulan, ano ba ang mangyayari? I'd just prove her she's right about what she thinks of me, which is actually very not true.


I never faked anything, especially my concerns and reactions about things. If ever I have to do it, I'd just do it because I badly need to.


Nagulat ako nang tumakbo papunta sa akin si Ayen, hinihingal at umiiyak. Tumayo kaagad ako at kinabahan.


"Ate Shek! Ate Shek!" iyak niya sa harap ko, nanginginig pa.


"Anong nangyari?!" tanong ko, abot langit ang kaba.


"Ayen, bakit?!" dumalo rin si Ava sa aming dalawa. Siya rin ay kinakabahan sa tabi ko.


"Si Josie po, nahulog sa lawa —" at nakarinig ako ng mga sigaw.


Nagkaripas kaagad ako ng takbo papunta sa lawa kung saan sila. I saw the children crying and shouting. Walang makakarinig sa amin dito dahil malayo ito sa mga bahay!

The Beauty Of The Commoner   | Wyorck Series #3 |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon