Beauty🌾14

4K 137 21
                                    

BEAUTY 14

Symbol


"Excited na ako! First time kong makakasakay sa ganun!" sigaw ni Ava rito sa loob ng bahay ko.


Tumawa si Gab sa reaksyon niya atsaka tumayo. Lumapit siya sa bukana ng pintuan para tignan kami ni Ava sa kwarto ko. Nasa sala kasi siya, naghihintay.


"Kahit naman ako excited! May kotse ako pero hindi ganun kaganda!"


"Pareho lang na kotse. Bakit ba kayo ganiyan makaasta? Hindi manlang ako natutuwa," bulong ko saka inayos ang buhok kong naka-braid.


Tinignan ko ang kabuuan ko sa salamin. Nakaputing bestida ako at itim na sandals. Pupunta kami ngayon sa bayan dahil market day. Maraming magandang pwedeng bilhin ngayon at bihira lang 'tong mangyari. Galing Royalty M ang mga produkto ngayon sa commercial building.


"Kailan ka ba natuwa sa kaniya? Kahit sa kotse niya may galit ka ata, a?" tawa ni Gab saka hinila ang kaliwang naka-braid kong buhok.


Tinampal ko ang kamay niya dahil sa kakulitan. "Totoo naman kasi ang sinasabi ko. All cars are just the same. May gulong, may bintana, may pintuan, may upuan. Ano ba ng espesyal doon?" pagpupursigi ko.


Tumawa silang dalawa sa akin na para bang wala ng bukas. May pahawak hawak pa sa tiyan. Hindi naman ako nakikipagbiruan, a?


"Sabi niya sa akin, galing pa raw ibang bansa ang kotse niya at isang beses pa lang na nagagamit. Pangalawa tayo ngayon!"


Halos napaatras ako dahil sa lakas ng boses niya. It was like he was in a brink of death and someone has helped him. Ganoon na ganoon ang itsura niya. His eyes was so full of awe. Tinignan ko si Ava at ganoon din! Nilalaro niya pa ang buhok niya.


Just because of a car? Seriously? I groaned as we started walking downstairs to go and wait for the prince.


Nakausap ni Zaico si Gab at dahil walang trabaho ngayon dahil market day ay nagplano silang mamili ngayon sa bayan. May sadya talaga sila roon at isinama lang kami ni Ava. Ayaw ko sanang sumama kaso... maiiwan na naman akong mag-isa. Wala rin namang klase ngayon ang mga bata.


Tinignan ko ang kotse sa labas ng gate ko. It doesn't seem really special. It lacks appeal for me. Mas maganda pa riyan ang luma kong pick up, ano!


"That's not the... car."


Nagulat ako nang mag english si Gab. He only does that when he's disappointed or if he's feeling something tremendous.


"Huh?"


"Totoo. Hindi 'yan 'yong nasa picture!" Rinig ko kay Ava.


Hindi ko sila maintindihan kaya huminto kami sa gitna ng bakuran ko. Hawak ko pa ang kanilang braso. Nakanganga silang dalawa, dismayado, at nakatingin sa sasakyan sa harap.

The Beauty Of The Commoner   | Wyorck Series #3 |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon