Beauty🌾29

3.6K 153 61
                                    

Naiyak ako rito. Skl. 


Beauty 29

Insect


"Nilamon ng emotional breakdown. Paano ka mabubuntis, dalawang taon kang tulog!" hagalpak ni Troy nang nasa hapag kami.


Bumuntong hininga ako. Hindi ko rin alam kung bakit hindi niya 'yon natanto kaagad. O baka naman... Baka naman alam niya na ngayon? Naisip niya na?


"Okay na rin na kinagat niya ang sinabi mo. Kung hindi, hindi naman siya aalis..." malamig na sabi ni Kyron at uminom sa kanyang wine.


Tumango ako dahil mabuti nga 'yon. If he didn't buy my reason, maybe he's never stop. Kahit siguro sabihin kong hindi ko siya gusto at magugustuhan ay hindi pa rin siya titigil. Kaya mabuti na lang na kinagat niya...


"He'll realize it anytime. Or maybe he already realized it. He'll surely get mad at you for fooling him," ngisi ni Gus at pinunasan ang labi ng kanyang anak.


"Ang sabi kasi 'wag mong palapitin sa kanila. What the fuck were you doing, man? That was the only task entrusted to you but you still fail to accomplish," si Kyron kay Troy.


Tinatawa ko na lang para gumaan ng bahagya ang pakiramdam ko. Sumakit ang ulo kanina dahil sa pag-iyak pero ngayon ay okay naman na. Umayos na.


"I did not expect Gavi to run over her! Parang tanga naman kasi 'yang si Gus. Bakit naman mama ang sinabi mong itawag kay Shekinah? Nanay niya ba 'yan, ha? Bakit kasi mama?!" ulit niya pa, naiinis na dahil siya ang sinisisi sa naging komplikado na sitwasyon. Naging komplikado ba?


"Gavi chose it himself. Don't shift the blame on me, Troy. You took Gabi from me, basically it's your whole damn fault. Susubok pa kasing makalusot. Ayusin mo buhay mo," si Gus at binuhat na ang anak niya.


Minura mura siya ni Troy. Tinakpan naman niya ang tainga ng kanyang anak habang pataas na sila sa hagdan. Nandito na kami sa mansion sa tabi ng orphanage. Tumawa ako nang maiwan kaming apat dito. Ako, Kyron, Troy at si Adazon na kanina pa tahimik. Alam ko naman kung bakit siya tahimik.


"Kailan ba darating si Trixie? O may balak pa bang bumalik 'yon?" tanong ni Troy habang nakasandal sa kanyang upuan.


Si Trixie ang tunay na ina ni Gavi. Iniwan niya si Gavi kay Gus months ago. Hindi pa rin siya bumabalik simula hanggang ngayon. May problema sila ni Gus at hanggang ngayon ay hindi pa naayos. Ang sabi sa akin ni Gus... Trixie cheated while she was pregnant. She was pregnant but they already broke up. Cheating pa rin ba 'yon? Pero buntis na...


"Of course, she has plans... They have a baby. Wala lang siyang choice kundi ang iwan dahil hindi naman pinayagang dalhin si Gavi sa ibang bansa. I know they will soon get back..." sigurado niyang sabi at nilaro ang wine glass.


"Ikaw, Shekinah? Babalikan mo pa ba iyong Zaico? Ang angas niya kanina. Pero umiyak..." humagalpak siya, para bang May nakakatawa roon. Nagseryoso rin siya matapos makita ang ekspresyon ko.

The Beauty Of The Commoner   | Wyorck Series #3 |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon