Beauty🌾3

6.1K 203 39
                                    

BEAUTY 3

Good girl


"Narinig ko na pinapaayos na ang papeles. Baka next week daw ay papapirmahin ka na at ang ilang nanakawan din ng lupain," si Ava habang sinusuot ang kwintas na pearl. Na sa harap siya ng tukador ko.


Bumuntong hininga ako. "Hanggang ngayon ay hindi maganda ang pakiramdam ko sa ginagawa niya."


"Bakit naman? Halata naman na maganda ang pakay niya rito. Sobrang layo niya sa tatay niya, Shekinah. Sana subukan mo naman magbigay ng chance?"


I smiled timidly and shake my head side by side. Tapos ko nang na-braid ang magkabilaang buhok ko. Nilagyan ko 'yon ng puting ribbon na may mahahabang buntot. Handa na ako para sa pista ngayong gabi.


"Alam mo, looks deceive people. Ganiyan na ganiyan ang ginawa ni Cornejo sa ama ko! Kinaibigan niya, kinuha ang tiwala at pinagtaksilan. Hindi malabong ganiyan din siya. Mana mana lang 'yan." Hindi ko napigilang mapa-irap at inayos ang puti kong bestida.


"Hay, naku! Okay! Bahala ka. Basta para sa akin ay mabuti siya," sabi niya sa akin.


"Sus. Baka naman gusto mo na siya? Akala ko ba loyal ka kaya Gab?"


"Loyal na loyal! Hindi ko gusto si Ziaco, ano! Kayo ang bagay sa isa't isa dahil mukha kang maharlika!" tawa niya pero hindi ako sumabay.


Pabiro ko siyang sinabunutan dahil sa sinabi niya. Nakakadiri naman 'yon. Anong bagay bagay? Bagay siya sa kagaya niyang demonyo. Kahit wala pa akong patunay na masama nga ang dulot niya sa amin dito, pananagutan ko ang tingin ko sa kaniya at sa pamilya niya.


Paglabas namin ay binati kami ng ilang tao. Some of them complimented us while some of them eyed us in a very envious manner. Lalo na sila Lila na akala mo ay inagawan ko ng kung ano. She's always like that kahit wala naman akong ginagawa.


"Talaga 'yang anak ni Manang Tila ay napaka-inggitera! Itapon ko 'yan sa bangin, e!" si Ava at hinila na ako palapit sa table namin nila Gab. Ka-table namin ang mga magulang nila.


Kinamusta nila ako at nagtanong tungkol kay Zaico. Wala naman akong masagot kaya tumahimik din ang table namin. Hanggang sa naiwan na lang kaming tatlo nila Gab dito.


"Saan na 'yong sumusunod sa'yo? Akala ko ba dadalo siya?" tanong ni Gab habang nag-aayos ng pang parlor games.


"Kahit ako ay hindi ko pa rin nakikita," si Ava at kumuha ng apple na may toothpick.


"Hinahanap mo?" Si Gab.


Dahil sa tanong na 'yon ay nilibot ko ang mga mata ko. Kadalasan ay agaw pansin siya pero ngayon ay wala akong makita kahit anino niya. Mga taong nakasuot ng mga simpleng damit lang ang nagkakantahan at naglalaro malawak na semento rito sa gilid ng bahay namin.


Hindi ko siya hinahanap dahil gusto kong makita. This is one of the reasons why he wanted to stay. Para masubukan ang pista. Kung hindi siya dadalo... nakakapagtaka.

The Beauty Of The Commoner   | Wyorck Series #3 |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon