Beauty🌾32

3.8K 108 18
                                    

BEAUTY 32

Rehearsal


"Napapadalas, ah?" ngisi ni Gus habang nag-aayos ako ng gamit ko sa kwarto. Nasa pintuan siya at nakasandal doon habang nakahalukipkip, nang-aasar.


"Mind your business, Gus. Kamusta na kayo ni Trixie?" ngisi ko rin at inayos na ang aking mga gamit. Baka kasi gabihin kami ayon kay Liana.


Rehearsal ngayon at ito ang unang araw na makakapunta ako sa venue na tinutukoy niya. Susunduin din nila ako dahil nga hindi ko naman alam ang daan papunta roon. 'Tsaka gagabihin, natatakot din akong magmaneho ng gabi. And I don't think someone would allow me if ever I decide to drive alone late at night.


"Hmm, I can't tell. She thinks I just want to make it up to her for Gavi. Let's say, that's one of the reasons. I just can't tell that..." aniya, hindi matuloy ang gustong sabihin.


I chuckled and stood up comfortably. Tinignan ko muna ang mukha ko sa salamin. I put a little tint on my lips. I braided my hair waterfalls since I can't do what Ava always does to my hair. I think I'm fine?


Liana sent pictures to me a while ago. They're just wearing shorts and t-shirts but better versions. Ang ibang pinsan niya ay nakasuot lang ng jumper shorts, high waist shorts and fitted crop tops. Kaya nag-short na lang din ako at puting long-sleeved polo na medyo malaki pa sa akin. Ang payat ko kasi!


"That you still do..." sabi ko at tinaasan siya ng kilay ng nasa pintuan na rin ako. "Lover her a lot. Bakit? Just be honest to her! Just be honest to yourself. Sa sitwasyon niyo, wala namang mawawala. It's all win-win situation..."


Sinuot ko na ang cross body bag ko na leather at sumabay kay Gus sa pagbaba ng hagdan. For the record, naka combat shoes ako dahil may pupuntahan daw kami mamaya. Errands, maybe? Hindi naman nabanggit sa akin...


"I hope you'd apply that to yourself, hypocrite!" so Gus na tinawanan ko ng malakas. Dahil wala namang tao sa living room, nag echo iyon. Bigla akong nahiya. "You'd be our enemy someday, Wyorck."


I shrugged and suddenly thought of something. If I'm gonna choose a side, where should I be? Hindi naman sila magkaaway, pero... There are things going on in between, and those things aren't good at all. They're civil... but friends? Nah.


Hinatid pa ako ni Troy at Kyron sa pintuan. Palagi kasi silang nandito, tinatakasang ang mga utos ni Timothee. Kaya rin maging malapit ako sa kanila dahil palagi kong nakakasama kumpara sa iba.


"Mag-uwii ka ng pagkain, Shek!" biro ni Troy. Hindi naman birthday party ang pupuntahan ko, a? Natawa tuloy ako ng bahagya at napa-iling.


Nakita ko na ang sasakyan nila. It's a shiny limousine facing my way. Binilisan ko ang lakad ko nang bumukas ang pinto at nakita ko kaagad sina Liana na ganoon pa rin ang mga suot.


"New look!" aniya at inalalayan ako papasok. Sa gitna nila ako umupo. Liana, me, and Zan. Ang ibang girls ay nasa likod namin. "I'm shocked! Ngayon lang kita nakita na ganito ang suot!"

The Beauty Of The Commoner   | Wyorck Series #3 |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon