• T R E S

75 12 2
                                    

Isidro

"Ginoo gumising kana. Tinanghali ka yata ng gising ngayon," sabi nung boses. Sino bato?

"Mom, stop please. I'm still sleepy as fuck." Inaantok na sabi ko kay Mom.

Bat kasi ginigising niya ako eh alam naman ko naman na dati palang ay wala na siyang pakielam samin. Inuuna pa niya ang businesses niya kaysa sa nararamdaman namin ng kapatid ko. Yung tatay ko wala ring silbi yon, hilig niyang mambabae kahit anong gawin niyang pambabae di parin siya kayang iwan ni Mom.

"Anong wika na naman ba ang pinagbabangit mo Ginoo. Hala ay gumising kana dyan bagkos tirik na ang araw." Sabi pa ulit ng tinig nayon.

Naiinis nako sa kanya kaya kinuha ko ang unan sa tabi ko at binato kung saan nagaling ang boses nayon.

"Can you please stop ruining my sleep. I told you, I'm sleepy can't you understand?" Nakasigaw na sabi ko at nagbago lang ng pwesto ng paghiga.

"Tila yata ay wala sa katinuan ito. Mukhang kailangan ko na tumawag ng tulong." Sabi ng boses nayon at nakarinig ako ng sarado ng pinto.

Finally, yung tulog ko madederetso na. Nasan naba ako sa panaginip ko? Nakakapagtaka lang na guluhin ni Mom ang gising ko eh wala naman pakielam samin yon at saka lumayas nako sa bahay namin diba? Bumili ako ng condo unit para makalayo sa kanila at sinama ung kapatid ko kaya bakit siya nandito.

"WHAT THE HECK!" napabangon ako ng may biglang nagbuhos ng tubig sakin habang nakahiga at hindi lang yon basta tubig malamig yon.

"What the heck is your problem, you freaks?" Sabi ko sa mga ito at tinignan sila ng masama.

May isang Ginang na may hawak ng rosaryo, may isang lalaking may hawak ng timba at isa pang lalaki na tila nagtataka sa kinikilos ko.

"Ginang Grasya sinasabi ko naman sayo. Wala sa wisyo si Ginoong Isidro. Halika tumawag ka ng tulong Ginoong Andres kailangan natin madala siya sa simbahan," natatarantang wika nung isang lalaki.

"What the?What are you talking about huh?" Sabi ko sa kanila. Yung ginang na kasama nila ay nagdadasal na babatukan ko na sana ung lalaking nagsabing wala ako sa wisyo pero may dumating na iba pang kalalakihan at hinawakan ako.

"Ginang Grasya, nakita mo?Pinagtatangkaan niya ako. Ano nang gagawin naten? Nasisiraan na siya" Sabi nung lalaki.

'Ako nasisiraan? The hell'

"Dalhin na yan sa simbahan, makakatulong satin si Iang Madre Santa marami siyang alam sa mga masasamang espirito tayo na," sabi ng Ginang at hinala na nila ako palabas ng silid namin.

"Hey! Saan niyo ko dadalhin?Get off me!" Sabi ko sa kanila at nagpupumiglas habang ang nakahawak naman sa braso ko ay nagsimula ng hilain ako palabas ng silid.

Teka? Pinagmasdan ko ulit ang nasa paligid ko. Oo nga pala wala ako sa kasalukuyang panahon. Anong gagawin ko? Dadalhin na nila ako sa simbahan. Hindi naman ako sinasapian at mukhang masusunog pako doon sa mga ginawa kong kasalanan.

Nakalabas na kami ng aming silid. Ano nga bang nagyayari sa mga movie na napanood ko kapag nakakalabas na ung masamang kaluluwa? Mamatay? Mahitay? Mahimtay? Mahihimatay? Ayon mahihimatay.

Teka? Anong klaseng himatay ba? Dapat ba ung medyo maarte tapos biglang bagsak ang katawan sa sahig? Ay hindi pwede hawak pala nila ako.  Pwede kaya yung biglang bagsak ng ulo? Hala hindi baka mabali ulo ko sa lakas ng pwersa. Pano kaya kung iheadbutt ko nalang ulo ko sa ulo nang nasa harapan ko? Ayoko masakit yon baka magalusan ang mukha ko.

In the Moonlight of 1892Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon