V E I N T E C I N CO

20 5 0
                                    

Maria

Sakay-sakay kami ngayon ng isang kalesa. May kasunod pang isang kalesa kung saan naroon ang mga tela at mga kagamitan sa pananahi na binili namin sa daungan.

Ilang metro nalang ang lapit namin sa aming tahanan ng makita kong si Isidro na malungkot na nakatingin saming bahay.

Nagtaka man ako at balak ko sana siyang batiin ng dumaan ang sinasakyan naming kalesa ngunit tinahak lang nito ang kabaliktad na daan kaya naman hindi na ako nagabala.

Baka pagod lamang siya dahil sa gawain niya kanina kaya alam kong mas kailangan niya ng pahinga.

"Binibining Maria." Pagtawag pansin sakin ni Gabriela na nakaupo sakin tabi.

"Hindi yata mawalay sa iyong labi ang inyong ngiti." Hindi ko maiwasan na mas mapangiti.

"Ang buhay ay puno ng maraming surpresa kaya naman mas magandang ngumiti ka sa lahat ng pagkakataon na iyong makakaya." Nakangiti kong sabi sa kanya.

Ilang saglit lang ay narito na kami sa tapat ng aming tahanan kaya naman inalalayan na ng kutchero si Gabriela na makababa ganoon din ako.

Agad naman kaming sinalubong ng mga iilang tauhan upang kunin at dalhin saking silid ang mga bagong bili na tela.

"Magandang gabi Binibining Maria." Pagbati nila sakin kaya naman pinamalas ko ang aking ngiti.

"Pakilagay ng mga ito sa kwarto ni Binibining Maria, pakiingatan at huwag hahayaan madapuan ng kahit anong dumi o basa." Pagbibigay importansya ni Gabriela kaya naman di maiwasan na mapatawa sa kanyang paguugali.

"Huminahon ka Gabriela, hindi naman siguro nila pababayaan ang mga tela. Hindi ba?" Pagkasabi ko nito ay marahan ko siyang niyakap kaya napangiti na lamang siya at napailing.

"Hindi ko alam kung anong mayroon sa ngiti mo pero tila yata nakakatakot na baka sa ilang sandali lang ay lungkot ang maging kapalit nito." Imbis na mangamba ay nginitian ko na lamang siya.

"Hindi ba't nararapat lang ng magsaya dahil minsanan lang dumating ang mga banyaga sating lupain kaya naman nakakagalak ito sa pakiramdam Gabriela. " sabi ko dito habang naglalakad kami papaakyat sa aming tahanan.

"Huwag kang magalala dahil ang iyong nakikita ay hindi mawawala matapos man ang gabing ito." Nakangiting kong sabi sa kanya kaya wala naman siyang nagawa kundi ngumiti.

Nang makarating kamj sa huling baitang sa pagakyat ng hagdan ay nakita ko sila Amang masayang nagkwekwentuhan habang masayang nakikinig naman si Reymundo sa kanya at si Kuya Carlito naman naiiling na natatawa habang nakatingin sa nakangiti naming Ama.

Nakita ko naman ang paglabas ni Ina mula sa kusina kaya naman hinakbang ko na ang aking paa upang batiin sila.

"Magandang gabi Ama at Ina. Magandang gabi rin sa inyo Kuya Carlito at ang aking napakamaginoong kapatid, Reymundo." Pagbati ko sa kanila agad naman akong niyaya ni Ama na maupo sa tabi niya habang si Ina ay naiiling na natatawa.

"Natatandaan mo paba ang unang pagiyak ng kapatid mong si Reymundo?" Pagtatanong sakin ni Ama kaya naman hindi ko maiwasan hindi pahalakhak.

"Opo Ama, tila para siyang sinisinok noon habang siya'y nasa bisig ni Ina at marahang hinehela." Hindi maiwasan na magtaka ni Reymundo na tila yata nagtataka kung totoo ba itong nangyari o hindi.

"Natatandaan ko pa na sa tuwing ibibigay ko siya sa inyong Ama ay umiiyak siya na tila sinisinok. Kaya naman mas sakin lumapit ang loob niya ng siya'y unti-unting magkagulang." Nakangiting sabi ni Ina habang umupo sa kabilang tabi ni Ama.

"Kung hindi ako nagkakamali ay si Maria ang batamg laging nagpapasaway noon, palihim na tumatakas kasama itong si Gabriela." Hindi ko maiwasan na mahiya ng maalala ko ang aking pinagagagawa dahil sa sinabi ni Kuya Carlito.

In the Moonlight of 1892Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon