Q U I N C E

29 7 0
                                    

[Settings: Before Maria and Isidro Date]

Manuelito

Nandito kami ngayon ni Isidro sa bahay nila Ginoong Corsino. Ngayon araw kasi balak niyang umamin kay Binibining Maria. Hindi narin ako magtataka na maibigan niya si Binibining Maria dahil halos imahe si Binibining Maria ng isang mabuting may bahay at mabuting ina sa tahanan.

"Namumuntawi kana naman Manuelito. May nangyari ba?" Tanong sakin ni Isidro. Umiling lang ako sa kanya at umupo muna sa isang tabi.

"Wala naman kayong problema ni Carlito hindi ba?" Tanong ulit niya at umupo sa katabing upuan.  Tinignan ko lang siya at pinagmasdan ang pagsikat ng araw.

Carlito. Magkatugma ang aming pangalan pati ang aming lihim na nararamdam ngunit alam kong hindi matatanggap ng mundo ang ating pagmamahalan.

Umiling lang ako piniling manahimik. Carlito, bakit kapa muling nagpakita sakin? Kung kailan handa na akong ibaon sa limot ang lihim nating pagmamahalan tuwing pupunta kaming Maynila ni Isidro.

Muli ko na namang naalala kung paano niya ibalik sakin lahat. Lahat ng pinagsamahan namin sa Maynila palihim man. Kung paano niya sabihin ang mga katagang hindi ko na pinaniniwalaan pa ngunit kay dali para sa kanyang patibukin muli ang puso ko.

"Ginoong Carlito? Bakit mo ba ako dinala rito?" Sabi ko habang hawak niya ang kamay ko.

Sinubukan kong kumawala sa hawak niya hanggang sa napadpad kami sa likod ng tahanan nila bigla niya akong sinandal sa isa sa mga puno doon gusto kong kumawala ngunit wala na akong nagawa ng makita ko ang iaang butil ng luha sa mata niya.

"Nangako ako sayong susundin kita. Nangako akong titigilan na natin tong dalawa pero hindi kaya ng puso ko, ikaw parin hanggang ngayon mahal ko," sabi niya habang nakatitig sakin nakita ko pa kung paano siya takasan ng luha.

Alam ko dahil kahit ngayon ikaw parin ngunit hindi tayo pwede. Labag ito sa mata ng nasa itaas ganon din ang mata ng bawat nilalang.

"Sinunod kita ngunit kahit lumingon ako sa iba, kahit tignan o hawakan ko sila. Ikaw parin ang nilalaman nito. Ikaw parin kaya sana ako parin. Hindi ko kakayanin kung magkakaroon ka ng iba." Sabi niya bahagya pang humigpit ang hawak niya sa kamay ko.

In the Moonlight of 1892Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon