Isidro
359 days
Kagabi ba ako binabagabag ng numero nayan. Simula ng makita ko sa sobre yan ay dina ako makatulog. Nakakainis na binigay ko nga pala kay Binibining Luciana yung larawan ng buwan. Sabi ni Serenio ang nagmamayari noon ang dapat kong paslangin.
Ngayon paano ko mahahanap? Kung bawiin ko kaya kay Binibining Luciana yung larawan kaso para naman akong siraulo non. Binigay ko tas babawiin ko. Hindi ko na alam. Panigurado wala ngayon si Binibining Luciana dito sa Bayan ng Montecillio.
Kaya ko bang pumatay?
Isa pa yan sa iniisip ko. Kaya ko nga ba? Paano kung ang may-ari noon ay pamilyado? Paano kung babae ang may-ari ng larawan? Paano kapag isa mga kakilala ko? Makakaya ba ng konsesnya ko? Makakaya ko ba na pumaslang ng isang inosente? Makakaya ko ba? Matatangap ko ba?
Oo hiram lang ang buhay na mayroon ako. Hindi ko alam kung nasaan ang tunay na nagmamay-ari ng katawan na ito. Kaya paano? Paano kapag ang totoong may-ari ng katawan na ito, ay isa sa pamilya niya sa panahon na ito ang nagmamay-ari?
Hindi kaya ng konsensya ko. Alam kong sa oras na patayin ko ang may-ari ng larawan naiyon dadalhin ko panghabang-buhay yon.
Pumatay? Para makabalik sa dati kong buhay?
Baliktarin ko man ang mundo. Hindi ko parin maatim na hindi makonsensya kahit hindi ko pa ginagawa. Oo hindi ako inalagaan ng Nanay. Oo wala siyang pakielam samin ng kapatid ko. Oo binalewala niya kami. Oo muntik niya nang ipalaglag ang kapatid ko.
Pero kahit ganon siya, lumaki ako ng maayos. Hindi man sa kamay niya o sa kung sinuman pero alam ko kung ano yung mali at tama. Walang nagpalaki sakin ng maayos. Lahat sila tinatakwil ako pero hindi naging dahilan yon na maging masama ako sa kapwa ko o gumawa ng kasalanan.
"Wala kang kwenta. Hindi kita anak"
"Sigurado kaba na parte kasa lahi namin? Wala kaming kamaganak na katulad mo."
"Are you really my son?"
"Alam mo ba?Dapat ipapalaglag ko yang kapatid mo dahil sa kanya nawala si Felix pero pinigilan ko yung sarili ko kasi naawa ako sayo pero tuwing nakikita kita? Halos isumpa ko ang kapatid mo"
"Kahit anong gawin mo dika namin maiintindihan"
"Sa dami-dami ng pagkakamali mo lahat yoon ay tanda ko"
"Sinira niyo ng kapatid mo ang pamilya natin. You ruined this fucking family. Kaya anong karapatan mo pakielam yung buhay ko? Anak lang kita"
Muling umagos sa pisngi ko ang tubig na sumisimbolo sa sakit na nasa loob ko. Kahit kailan, kahit anong gawin ko, kahit bagohin ko pa ang sarili ko. Wala pading tatanggap sakin.
Pero sabi nga nila. Darating din ang liwanag na magsisilbing ilaw mo sa dilim at dumating siya sakin. Dumating siya sakin kung kailan halos sirain ko na yung buhay ko. Kung kailan halos bitawan ko na lahat ng pangarap na mayroon ako.
"Kapag nahulog ka dyan sinasabi ko sayo, magiging murderer ako." Sabi ng isang babae. Hindi ko siya kilala at wala akong planong kilalanin pa siya.
Matagal ko na dapat tinapos ang buhay naito.
"Huwag mo nga akong pakielam," sabi ko sa kanya at akmang itutuloy ang balak ko ng hilain niya ang damit ko sa likod dahilan ng pagbagsak ko sa sahig.
"Kapag ginawa mo yan wala kanang babalikan. Kailangan mo yan panindigan. Now my part is done. Pinigilan kita. Its all in your choice if you still do it but trust me, it's not worth it" sabi niya sakin at nagsimula nang tumalikod at maglakad paalis.
BINABASA MO ANG
In the Moonlight of 1892
Mystery / Thriller1/2 of Moonlight Duology || In the Moonlight of 1892 "If time heals everything, it almost a hundred years. Why it so painful to hear?" Hindi inaasahan ni Izack na ang simpleng hiling niya lang sa isang matandang hukluban sa pangit ay matutupad. Ano...