Note: Dedicated to Poker_Girl
-------
Isidro
Tuliro. Hindi makagalaw at patuloy na prinoproseso ang mga bagay na kay saglit lamang naganap. Mtaimtim kong pinagmasdan ang paligid.
Nasaan na nga ba ako? Kaya ba ako pinigilan ni Serenio dahil ang isang bagay na hindi ko kayang gawin ay kayang gawin ni Maria.
Patuloy lang sa pagandar ang kalesa. Tahimik at nakakabingi sa tenga. Ano nga bang gagawin ko. Binalaan na niya ako, na nila ako.
Ganon ba talaga? Kahit ihanda mo yung sarili mo sa sakit. Kahit ihanda ko yung sarili mo sa lungkot naroon parin. Sa oras dumating ang puntong iyon ay kahit anong paghahanda ang gawin mo mas masakit parin pala.
Baliwala ang lahat ng kathang isip kung sa totoong oras naganap ang hinagpis. Pilitin man nating balikan ang naturang kabata alam kong tapos na.
Nobela nga ba ito?O sadyang may mali at hindi ko alam kung ano ito. Pinaglalaruan yata ako ng manunulat saking kwento. Ang kasiyahan naramdaman ko ay panandalian.
Ang buhay na pinahiram sakin ay hindi panghabang buhay. Ang pagibig na aking nakamit ay hindi nakalaan para sakin. Ang pagtanggap na natamasa ko ay alam kong hindi makatotohanan.
Sa oras na dumating ang araw na kailangan kong bitawan ang aking katauhan. Alam kong oras na upang gumising sa masakit na katotohanan
Pinikit ko ang aking mata. Namanhid na ang aking mga mata. Isang buwan pagmamahalan? Parang isang taon ang nakalipas. Handa nga ba akong harapin ang masakit
"Hindi ko ibig na manghimasok Ginoong Isidro." Pinakatitigan ko si Manuelito sa aking tabi. Narito siya dahil obligasyon niyang hindi iwan ang aking tabi.
Dumating ang Ama at Ina ng tunay na Isidro.
Matapos ng aming pagkikita ay kailangan kong magpanggap na tila kilala sila. Naninibago man ngunit alam kong oras na para lisanin ang bayan ng Montecillio.
Wala ng dahilan para manatili pa ako.
Isang misyon, ang misyon na ang kailangan kong pagtuunan ng pansin. Alam kong kailangan kong hanapin ang nagmamay-ari sa larawan. Marahil ay wala nga siya sa Bayan ng Montecillio.
"Manuelito, natatandaan kong minsan mong nabanggit sakin na tumutungo tayo ng Maynila upang bumili ng mga libro." Agad naman siyang nagulat sa sinabi ko ngunit marahan tumango.
"Tama ang iyong tinuran Ginoo, mahilig kang kumulekto ng ilang mga babadahin at naglalaan ka ng oras upanh bilhin ang mga naturang nobela at ilang gawa mula sa La Solidaridad." Tinignan ko siyang maigi.
La Solidaridad?
Oo nga pala, panahon rin nito umusbong ang rebelde at ang ilang mga kalalakihan na nagtatago sa likod ng ilang panawag na pangalan upang hindi matuklasan ang kanilang adhikain.
Kung saan ang kanilang adhikain ay ipamulat sa mga Pilipino sa panahon na ito ang mga masadamang gawain ng espanyol. Kagay ni Marcelo H Del Pilar kung saan ginamit niya ang Plaridel upang itago ang kanyang katauhan.
BINABASA MO ANG
In the Moonlight of 1892
Misterio / Suspenso1/2 of Moonlight Duology || In the Moonlight of 1892 "If time heals everything, it almost a hundred years. Why it so painful to hear?" Hindi inaasahan ni Izack na ang simpleng hiling niya lang sa isang matandang hukluban sa pangit ay matutupad. Ano...