Third Person
"Hindi ko alam kung paano magpapasalamat sayo, nagawa mong samahan mo ako ngayon," hindi maiwasan ni Maria na ngumiti ng malaki.
Mabuti nalamang ngayon araw na ito ay pinayagan siyang makasama si Maria ng hindi nila kasama si Gabriela. Hindi tuloy maiwasan ni Isidro na lalong ngumiti.
Isang linggo matapos ng Fiesta De Flores at ngayon araw ay sinamahan ni Isidro si Maria na mamili ng mga tela. Hindi maiwasan ni Isidro na mapangiti dahil sa magagandang ngiting pinapakita ni Maria.
Napaksimple lamang ng kasuotan nito at nakalugay ang buhok nito. Hindi niya maiwasan humanga at sa bawat daan niya sa mga tindahan kung hindi siya inaalok o binabati ay pinupuri siya.
"Anong tingin mo maganda ba ang telang to? Kakaiba ba o katangi-tangi?" Tanong ni Maria habang hinihimas ang tela.
"Magandang uri ng tela yan Binibining Maria, ang taglay niyang kagandahan tinatawag pa itong 'Marahuyo' dahil sa ganda at mahiwagan disenyo nito. Sa oras na tignan mong maiigi ang tela makikita mo ang kakaibang pagkakatagpi nito, na nagpaespesyal sa telang ito," paliwanag ng Tindera kay Maria.
Nakita ni Isidro kung gaano na kamahal ni Maria ang tela at karayom. Lumaput siya kay Maria at hinawakan din ang telang hinawakan nito. Pinagmasdan niya iyong maigi ngunit ng lingonin niya si Maria ay biglang...
"Oh fuck, Maria im sorr-- este paumanhin hindi ko sinasadyang lumingon," natatarantamg wika ni Isidro at hinimas ang parte ng noo ni Maria na natamaan ng baba ni Isidro.
"Ayos ka lamang ba Binibining Maria?" Tanong ng tindera marahan tumango-tango lamang si Maria at marahang ngumiti.
"Anong masasabi mo Isidro sa tela?" Nakangiwing sabi ni Maria ngunit kalaunan ay napailing na lamang siya. Wala dapat sumira sa araw niya.
"Babagay ang telang ito sa mga baro't-sayang gagawin mo. Sa kaganda ng kalidad nito at sa kakaibang paraan ng iyong burda at pananahi paniuradong babagy iyon," nakangiting sabi ni Isidro lalo naman napangiti si Maria sa sinasabi.
Hanggang ngayon ay di parin siya makapaniwala. Hanggat maaari ang kasiyahan na nararamdaman niya ay ayaw niyang mawala. Kaya hanggat maaari ay ngumiti siya pinapaligaya ang sarili niya.
Hindi akalain ni Maria na makikita na niya ang taong magpaparamdam sa kanya ng kakaibang klase ng pagmamahal. Isang pagmamahal na hindi maluluma o matitinag basta-batas.
Matapos makausap pa ang tindera sa iilang detalye ay binili na niya ang tela. Bilang isang maginoo ay kinuha iyon ni Isidro at siya na ang nagbuhat.
Dumaan pa sila ilang mga tindahan at nakikihalubilo sa iba at nasa tapat na sila ng isang tindahan. Tindahan ng alahas at iba pang kagamitang pangbabae.
"Binibining Maria, hindi ko inaasahan na muli kitang makikita," sabi ng isang babae.
Agad naman pinagmasdan ni Isidro ang babae, naalala niya ang babaeng nagbigay sa kanya ng isang orasan. Kaya muli niyang pinagmasdan ang babae at doon niya nakompirma.
"Hindi ko inaasahan na makikita kitang muli. Maraming salamat at nagawa ko pang magpasalamat sa inyo. Maraming salamat nga pala sa lahat ng naitulong mo saming pamilya," natutuwang sabi ni Maria sa Ale, napangiti na lamang ang Ale sa kanya. Bumaling ang Ale kay Isidro ng makalayo ng unti si Maria upang tignan ang ilang tinitinda ng Ale.
"Siya naba ang iniibig mo?" Paninimula ng Ale sa kanya at inayos ang ilan sa mga kagamitan doon ngunit nanatiling tahimik si Isidro.
"Sigurado kana ba na siya ang hantungan mo?" Tanong ulit ng Ale havang isinasalansan ang ilang uri ng alahas at nilingon siya
BINABASA MO ANG
In the Moonlight of 1892
Mistério / Suspense1/2 of Moonlight Duology || In the Moonlight of 1892 "If time heals everything, it almost a hundred years. Why it so painful to hear?" Hindi inaasahan ni Izack na ang simpleng hiling niya lang sa isang matandang hukluban sa pangit ay matutupad. Ano...