V E I N T E Q U A T R O

21 6 1
                                    

Isidro

Isang linggo matapos dumating ni Eduardo ay nahahalata na naming lahat kung paano nito bakuran si Binibining Luciana. Masama ang tingin nito sa mga lalaking lumalapit kay Luciana.

Hanggang ngayon hindi ko parin lubos isipin ang sinapit ni Maria sa pinsan ko, ng katawang ginagamit ko, ang tunay na si Isidro.

Hanggang ngayon iniisip ko parin kung tumigil nga ba ang mundong ginagalawan ko, ang kasalukuyan habang nandito ako sa nakaraan.

Nasaan nga ba ang totoong Isidro? Si Isidro na tunay na nagmamayari ng buhay na ito. Ang karapatdapat na nasa kinatatayuan ko.

Ang misyon ko. Ngayon ko lang ulit naalala na may misyon ako. Misyong hanapin ang may-ari ng larawan naiyon at ang tao sa likod ng ngalan Ulan.

"Manuelito, magkwento ka nga patungkol sa manunulat na nagngangalang Ulan?" Pagtatanong ko dito agad naman nanlaki ang kanyang mata sa gulat.

"Hindi maaaring ipagsabi ang ngalan na iyon Ginoong Isidro." Seryusong sabi nito at agad lumapit lumayo kami ng kaunti sa mga tao.

"Bakit? Anong klase ba siyang manunulat?" Pagtatanong ko dito naiiling lamang si Manuelito sakin.

"Wala akong kinaaadman kung saan mo nakuha ang pangalan na iyan ngunit masamang bangitin ang pangalan naiyan lalo na sa matataong lugar." Nagtaka naman ako sa kanya.

"Ang nagmamayari ng pangalan naiyan ay tinuring bilang isang rebelde. Mula ng makilala ito dahil sa pagamit ng wikang tagalog sa pagsusulat ay may iilan tao ang namulat sa katotohanan" mahinang sabi niya.

"Hindi lahat ng nasa may katungkulan walang alam sa mga masasamang gawain at intensyon ng Espanyol nanahimik lang sila dahil maaaring sila ang mapahamak." Bahagya man akong nagulat ngunit alam ko na may ganito ngang naganap noon sa kasaysayan.

"Mismong ang pamilya ninyo Isidro, alam ito ngunit pinili nilang manahimik at tumulong ng palihim dahil mahirap kalabanin ang Espanyol sa lakas ng kanilang pwersa at sandatahan." Naiiling na sabi ni Manuelito sumasangayon akong tumango sa kanya.

"Ang misteryosong manunulat nayan ay kailanman hindi pa nagpapakita kaya naman walang nakakaalam sa kanyang itsura." Nakita ko kung paano pa siya lumingon-lingon sa paligid kung may nakikinig ba o wala.

"Minsan nanghinanap ng espanyol ang manunulat naiyan ngunit wala silang nakuhang impormasyon." Pabulong niyang sabi at sinalubong ang tingin ko.

"Hanggang ngayon kilala siya bilang isang tulisan, wala parin nakakaalam sa tunay niyang katauhan dahil nagtatago siya sa likod ng pangalan Ulan." Pagtatapos niya.

Kung ganon naman pala, bakit siya pinapapatay sakin ni Serenio kung malaki naman maaaring maging ambag niya sa kasalukuyan?

Hindi ko din alam sa problema ni Serenio. May hindi paba ako nalalaman sa pagkatao ng Ulan naiyon kaya parang may mali.

Hindi ko na napansin na nakabalik na pala kami sa pwesto namin kanina. Narito kami ngayon sa pamilihan

Balak ko sanang dalawin si Maria ngunit alam ko na marami silang ginagawa ngayon. Narinig ko na ang dumating nung nakaraan linggo ay isa sa mga susunod na Heneral at ang nakatakdang mapangasawa ni Binibining Luciana.

Ngunit naayon lamang ito sa mga sabi-sabi sa madaling salita chismis. Sabi naman ng ilan ay totoo ito at masugid daw na manliligaw ni Binibing Luciana si Eduardo.

Pansin ko rin nitong nakaraan araw na panay ang lapit at panunuyo nito kay Binibining Luciana. Lagi silang magkasama.

Kinabukasan pagdating nito ay inilibot ito ni Binibining Luciana sa buong Montecillio hindi ko alam lung para saan marahil siguro ay para masolo si Binibining Luciana.

In the Moonlight of 1892Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon