Third Person
Ngayon araw na ang Fiesta De Flores, nagkalat lahat ng bulaklak sa paligid. Nagkakasiyahan ang mga tao sa paligid, nagbabatian at kumakain. Bakas sa mukha nila ang tuwa at saya lalo na sa makikinang nilang ngiti.
Ang iba naman ay nakahilera para salubungin ang mga karwaheng kalesa na nagpapagandahan sa ayos ng bulaklak. Makukulay ito kagaya ng kasuotan ng mga kababaihan na nakasakay doon.
Hindi maipagkakailang nagkakagandahan din sila lalo na at napapaligiran sila ng mababangong bulaklak na naghahatid mabangong halimuyak para sa lahat. May labing dalawang karwahe pati ang mga kabayo ay may disenyo din ng bulaklak.
Napakagandang tignan habang sa dulo naman ng labing dalawang karwahe ang isang karwahe para sa gobernadorcillio ng bayan. Kasama ang kanyang anak at ang may bahay. Nakasunod din sa kanila ang mga guardyang civil upang mapangalagaan ang gobernadorcillio.
Isa sa mga taong nakahilera ang pamilya nila Ginoong Corsino at inaabangan ang karwaheng sinasakyan ni Binibining Maria at ang kasuotan nito. Kasama nila si Manuelito at Isidro na may katamtam din ngiti para sa lahat.
Si Binibining Maria ay nasa ikalaving dalawang karwahe bakas sa kanyang kasuitan ang yama at kagandahan. Nakangiti lang siya at marahang kinakaway ang kamay sa lahat. Mahahalata mo sa kanyang ngiti ang saya at galak.
Dumagdag pa ang hawak nitong abaniko na may disenying bulaklak at marahan niya rin itong pinapaypay. Naghihiyawan ang lahat sa tuwing nadadapuan nila ng tingin si Binibining Maria. Hindi maipagkakailang napakaganda niya at angat na angat ang kagandahan taglay niya. Dumagdag pa ang kanyang mabuting kalooban.
Nang masilayan ni Isidro ang kagandahan ni Maria ay parang tumigil sa pagtakbo ang mundo niya. Wala siang ibang makita kundi tanging si Maria lang na nakangiti ng wagas sa kanya. Kung paano nito ngitian siya na nagdudulot ng kakaibang pakiramdam sa kanya ng walang kahirap-hirap.
Hindi inaasahan ni Isidro na makita si Maria ng ganoon kaganda, napakasimple lamang ng kanyang kasuotan ngunit para kay Isidro ay napakaganda nito kaysa sa suot ng ibang kababaihan sa araw naiyon.
Hindi inaakala ni Isidro na si Maria na larawan ng isang mabuting anak at may bahay na hinahangad ng lahat ng kalalakihan na mapangasawa ay magugustuhan niya.
"Nakaalpas na ang karwahe ni Binibining Maria ngunit tulala ka parin, Isidro," pagbibiro ni Ginoong Corsino dito na dahilan ng pagkabalik niya sa ulirat
Ang sumunod na karwahe naman ay ang karwahe ng Pamilyang Montecillio. Magkasama sa naunang karwahe ang mga lalaking myembro ng Pamilya. Nakita niya din si Ginoong Pablo Juan Montecillio, ang Ama ng Bayan ng Montecillio at ang Ama ng kanyang iniibig.
Bakas dito ang autoridad at tapang na hinding-hindi mo basta-basta mabubuwag. Katabi niya ang kanyang panganay na lalaki na si Carlito na nakangiti. Bakas sa kanyang kasuotan ang karayaan sa buhay halos lahat ng babae ay nappaibig niya sa kanyang tingin. Habang si Reymundo ang bunso ng Pamilyang Montecillio ay may inosenteng mukha ngunit mapanuring tingin, bakas sa kanyang kasuotan ang karangyaan at kasimplehan.
Ang sumunod naman na karwahe ay ang sa babaeng myembro ng pamilya. Tatlo sana sila ngunit naiba ng karwahe si Binibining Maria. Angat na angat ang malamyos na tingin ni Ginang Veronica Barbara, sa lahat. Angat din ang kanyang kagandahan na halatang namana ng dalawa niyang anak na babae.
Hindi alam ni Isidro ngunit marahan siyang napatingin sa babaeng katabi ni Ginang Veronica kahit alam na niya kung sino iyon. Nakatakip siya ng Abaniko at dahan-dahan niyang binaba iyon. Kagaya ng unang pagkikita nila ni Luciana ay nagtapo muli ang kanilang mata. Bakas sa mukha niyang ang pagiging mysteryosa na hindi mo basta-basta makikilala, bakas din sa kanyang mukha ang pagkamasungit.
BINABASA MO ANG
In the Moonlight of 1892
Mystery / Thriller1/2 of Moonlight Duology || In the Moonlight of 1892 "If time heals everything, it almost a hundred years. Why it so painful to hear?" Hindi inaasahan ni Izack na ang simpleng hiling niya lang sa isang matandang hukluban sa pangit ay matutupad. Ano...