V E I N T E N U E V E

22 3 0
                                    

Third Person Pov

Nakaupo lamang si Luciana sa tapat ng talon, ang talon kung saan naging saksi ng magaganda at mapapait na kwentong pag-ibig ni Isidro at Maria.

Ilang araw matapos ang pangyayari ay kumalat sa bayan ng Montecillio na ang Isidro na kanilang nakilala ay ang lumayang anak pala ng mga Agoncillio.

Marami ang namangha at humanga sa kabaitan ni Isidro ngunit mas marami parin ang pinagusapan ang pakikipagrelasyon nito kay Binibining Maria.

Si Maria na parang tinakasan ng ligaya nitong lumipas na ilang araw. Tila nawalan na ito ng dahilan na upang maging masaya at tuluyang nagpalamon sa kalungkutan at sinarado ang lahat ng daan patungo sa kanyang puso.

Naiiling na lamang si Luciana habang pinagmamasdan ang paglipad ng alitaptap sa ibabaw ng tubig mula sa talon.

Pinikit ni Luciana ang kanyang mga mata at hinayaan pakalmahin siya ng tumog ng pagbagsak ng tubig mula sa talon, ang huni ng mga ibon at ang lamig ng simoy mg hangin sa gabing iyon.

Pinakalma niya ang sarili at hinayaan lamunin siya ng walang hanggan at hinayaan ang kanyang sarili matangay kasabay ng unti-unting pagkalma ng isip niya.

Palaging ganoon ang ginagawa niya sa tuwing nasasakal na siya, sa resposibilidad na nakapatong sa balikat niya.

Sa mga problemang agaran niyang binibigyan ng solusyon at wala mang nakakaintindi sa parte niya.

Sino nga banag magkakaintindi ng tama at mali kapag usapang pag-ibig na?

Sadyang ang mga tao ay nababaliw sa mga bagay bagay, na gusto at matagal na nilang balak harapin. Sadyang nalulunod lamang sila sa naguumapaw na emosyon na kanilang nararamdaman hindi na alintana kung sa dulo ay masadaktan lang sila.

Kaya hindi magawang umibig ni Luciana, sapagkat alam niya ang halaga niya at ang importamsya ng buhay para sa kanya.

Dahil sa pag-ibig ginawa nito tayong baliw. Nahdedesisiyon ng hindi inaalam ang tama at mali o ang kahihinat lamang nito.

Sa madaling salita, mas mahal ni Luciana ang kanyang sarili at bilang mahal niya ang kanyang sarili ay hindi niya kailangan manlimos ng pagmamahal sa iba.

Alam niya ang halaga niya at hindi niya ibaba iyon par sa panandaliang pag-ibig lamang.

Hindi sapat na mahal mo ang isang nilalang para masabi mo na siya na hanggang walang hanggan.

Sapagkat ultimo ang librong kinagigiliwan ng lahat ay may hangganan. Ultimong paghinga ay napuputol at mismong ang araw ay lumulubog.

Lahat ng bagay ay may hangganan, walang kasiguraduhan kung ano at sino ang mananatili ng pangmatagalan.

"Hindi mo intensyon sirain sila hindi ba?" Pagak na ngumisi lamang si Luciana sa itinuran sa kanya ng babaeng nasa likod ng punong kinalalagakan niya.

"Bakit ko pa sisirain ang isang bagay na mismong sila ang sumira?" Sabi ni Luciana habang nakatingin sa kawalan.

"Ginawa mo lamng iyon para protektahan sila, sa mapusok at aligagang desisyon na ginagawa nila." Pagsasabi ng babae sa likod ng puno ngunit nanatali lamang tahimik si Luciana.

"Ikaw na mismo ang gumawa ng paraan upang magsimula ang dalawa ngunit ikaw din mismo ang nagputol non para sa kanila." Naiiling na lamang si Luciana sa tinuran ng babae.

"Ang maling desisyon nila ang magdulot ng mismong pagkasira nila." Sabi ni Luciana at muling pinikit ang kanyang mga mata.

"Pinili ni Isidro na maglihim kay Maria para maprotektahan niya ang dilag at upang hindi ito mawala sa kanya ngunit kinalaunan ay mismong si Maria na ang kumawala sa kanya." Sabi muli ng misteryosong babae sa likod ng puno.

In the Moonlight of 1892Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon