Isidro
Hindi ko alam kung anong kailangan sakin ni Luciana ngunit alam kong nadito siya para ikalawang babala niya. She's unpredictable at alam kong nakita niya kami ng kapatid niya.
Tumigil kami sa ilalim ng isang puno kaya hinarap ko siya kasabay ng pagtingin sakin ng blankong mga mata niya.
"Anong kailangan mo?" Sirektang tanobg ko sa kanya alam kong nagtatakasi Manuelito kung anong nangyayari ngunit nanatiling tahimik.
Because right now is not the perfect time for any question that comes from his mouth.
"Hanggang ngayon ay tila wala parin aiyang nalalaman sa pagkatao mo." Hindi isang tanong, isang katotohanan ang sinabi niya.
Di ako nagkaroon ng laka ng loob upang tanungin kay Maria kung bakit may galit ito sa Pamilyang Agoncillion dahil una, paghihinalaan niya ako at pangalawa hindi ko kayang marinig ang sagot niya.
May parte sakin na umaasa na baka kapag sinabi ko sa kanya ang pagkatao ko, ang totoong ngalan ko ay malilinawansiya at mawawala ang galit niya.
Ngunit may parte rin ng takot at pangamba lalo na at alam kong hindi siya magtatanim ng galit kung wala itong malalim na dahilan.
Isang dahilan na alam kong parehas kaming walang kasalanan o ako lang ang walang kasalanan pero nadadamay dahil sa apilidong tinataglay.
"Nadidismaya ako sayo Isidro, mas lalo mo lamang pinapatunayan na hindi ka magiging karapatdapat para sa kapatid ko." Naiiling na sabi niya ngunit hindi nagbago ang reaksyon sa kanyang mukha.
"Hindi ko alam kung saan nagmumula ang pagaalala mo sayong kapatid." Natigilan siya sa mga salita na binanggit ko.
"Sa pagkakaalam ko may isang uri ng dagat na namamagitan sa inyong dalawa na sa sobrang lawak hindi mo kayang tawirin magisa." Sabi ko sa kanya upang maiiwas ang tanong ngunit nginisihan niya lamang ako.
"Hindi mo alam ang isang bagay na pinapasok mo at una palang hindi pagaalala ang nararamdam ko lalo na para sa kanya." Naiiling na sabi niya at bumaling kay Aurelia.
"Ngunit pagkaawa para sayo, pagkaawa sa pagmamahal na mayroon ka para sa kapatid ko kahit hindi naman siya sigurado sayo." Muntik ng mapintig ang tenga ko sa sinabi niya bahagya pa siyang tumawa ngunit hindi yon basta-bastang tawa dahil nakakainsulto yon.
"Masakit marinig ang katotohanan hindi ba? Ni hindi mo nga alam ang pinagdaanan niya noon kaya nagtataka ako bat ka nagtitiwala sa kanya kung hindi naman siya nagtitiwala sayo?" Imbis na sagutin o mainis sa kanya ay umiling lamang ako.
May tiwala sakin si Maria, may dahilan kung bakit hindi niya sinabi iyon dahil masyado itong pribado at naiintindihan ko yon.
"Pagtitiwala yan ang pundasyon ng isang relasyon ngunit tila yata mahina ang pundasyon ninyo." Naiiling na sabi ni Luciana havang nakatingin parin sakin ng blangko.
"Isang poste lamang ang matibay habang isa sira o di kaya wasak na wasak na. Hindi kakayanin ng isang poste na tumayo magisa at ipaglaban ang para sa kanila kung sa una palang wasak at sirang-sira na sila." Bahagya pa itong tumawa na mas lalong nakapagpairita sakin
BINABASA MO ANG
In the Moonlight of 1892
Mystery / Thriller1/2 of Moonlight Duology || In the Moonlight of 1892 "If time heals everything, it almost a hundred years. Why it so painful to hear?" Hindi inaasahan ni Izack na ang simpleng hiling niya lang sa isang matandang hukluban sa pangit ay matutupad. Ano...