Third Person
Hindi mawari ni Maria ang pakiramdam na makitang may hawak muli si Isidro na gitara at marahan kinakalabit ang pisi nito. Hindi niya maiwasan mapangiti sa magandang tanawin na mayroon siya.
Habang si Isidro naman ay tinititigan si Maria na nakangiting nakatingin sa kanya. Nang nakita niya ang ngiti nito ay nawala lahat ng pangambang nararamdaman niya.
Lahat ng pangamba at takot na naramdaman niya nitong lumipas na isang linggo ay tila nawala. Masilayan niya lang ang masaya at makulay na ngiti ni Maria ay tila walang takot niyang sasaluhin ang bala para maprotektahan ito sa maaaring sumira sa ngiti niya.
Isang linggo na niyang iniisip kung ano maaaring dahilan ng galit ni Maria sa pamilyang kinabibilangan niya ngunit hindi siya naglakas loob na magtanong sa kanya.
Dahil kung sakali man niyang tanungin ito kay Maria ay maaaring magtaka ito sa kanya at pagduduhan ang pagmamahal na mayroon siya para dito ngunit ayaw niyang mangyari yon.
He would do anything just to protect her smiles, even keeping a secret that would her hurt a lot.
"Maria, naalala mo pa ba ang pangako ko sayo sa harap ng Agos sa Buwan?" Tanong ni Isidro kay Maria.
Hindi maiwasan ni Maria ang alalahanin ang isa sa pinakamagandang alaalang mayroon siya. Isang alaalang kahit lipasan ng taon ay alam niyang nakatago at kailanman hindi mabubura ng sinoman na magtatangkang palitan ang lalaking iniibig niya.
"Maraming salamat Maria hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya, pangako ang kaligayahan mo ang nasa ibabaaw ng aking nararamdaman upang iparamdam sayo ang toong kalinga ng ating munting pagmamahalan," walang ibang nagawa si Maria kundi ngumiti at namnamin ang bawat sandali.
"Maria, saksi ang buwan sa pagmamahal ko sayo, patuloy na aagos ang tubig mula sa talon na magiging simbolo ng patuloy na pagmamahal na mayroon ako sayo." Bahagya pang ngumiti si Maria sa umaapaw na kasiyahang nararamdaman niya.
"Mahal kita, mula sa pagmulat ng iyong mata hanggang sa tuluyang mawala ang huli kong hininga." Hindi napansin ni Maria na tumulo ang munting luha sa kanyang mata.
"Ang kasiyahan mo lamang ang mahalaga, kung hindi ko na kayang ibigay sayo ang kaligayahang nararapat para sayo. Handa akong bitawan ang mga kamay mo, kung kapalit nito ang ngiting simbolo ng puso mo," niyakap ni Maria ng mahigpit ai Isidro.
BINABASA MO ANG
In the Moonlight of 1892
Mystery / Thriller1/2 of Moonlight Duology || In the Moonlight of 1892 "If time heals everything, it almost a hundred years. Why it so painful to hear?" Hindi inaasahan ni Izack na ang simpleng hiling niya lang sa isang matandang hukluban sa pangit ay matutupad. Ano...