"Ginoo, sa susunod na araw ay wala na tayong ipangbabayad sa renta. Anong gagawin natin?" Sabi ni Manuelito habang nagbibilang ng salali at kinakalkula ang mga gastusin.
"Kung magtrabaho kaya tayo? Para kumita tayo ng pera at may ipangbayad sa renta." Sabi ko sa kanya.
Hindi naman siguro masama dahil habang nagtago kami dito ay magtratrabaho din. Nakakapagod kayang magpagala-gala lang at walang ginagawa.
"San ako hahanap ng trabaho Ginoo?" Sabi ni Manuelito agad ko siyang sinamaan ng tingin.
"Tayong dalawa ang magtratrabaho mas lalaki ang kikitain natin dalawa at baka ma makakuha pa tayo dito ng mas magandang kwarto," sabi ko sa kanya bakas sa kanyang ang pagtataka.
"Ginoong Isidro wag niyo sanang mamasamain ang sasabihin ko, napapansin ko lang nitong mga nakaraang araw ay tila yata nagbabago kayo?" Sabi niya sakin agad ko naman siyang tinignan.
"Nabawasan ang iyong pagkasuplado. Dati kasi ay mabilis kang mainis kapag nahahawakan ka ng hindi mo pinahihintulutan. Napakapihikan mo sa mga gamit at regalo. Kadalasan mas gugustuhin mo ang mamahalin kaysa ang libre. Minsan nayayabangan din sayo ang iba nating kaibigan ngunit iniintindi kana lamang nila." Sabi ni Manuelito na may mapanuring mata.
"Maybe people change," sagot ko dito agad naman nagtaka agad siya.
"Maybe-bilhin ako sa pamilihan sa oras na magkatrabaho tayong dalawa." Nakangiwing sinabi ko sa kanya nagkibit balikat nalang siya at inatinago sa aparador ang mga salapi.
"Pumunta tayo sa plaza, kadalasan doon sila nagpapaskil ng mga trabahong maaring natin applyan," sabi ko kay Manuelito at kinuha na ang sumbrero ko.
"Applayan? Ano iyon?" Sabi ni Manuelito napakamot nalang ako sa ulo at nauna na.
"Applayan ba?Ang sabi ko masarapa ng ampalaya," sagot ko dito habang papalabas kami sa aming silid.
"Ako ay naguguluhan sayo Ginoo. Minsan naman ay maayos kang kausap ngayon ay napakagulo. Sumasakit ang sentido ko sayo," sabi nito habang hinihimas ang sentido niya. Tinawanan ko lang siya at nauna na maglakad.
Pero sa huli ay sinundan ko padin siya. Hindi ko naman alng kung nasaan ung plaza ilang minuto ng paglalakad ay may nakita akong isang batang lalaki na may buhat-buhat na puppy. Natawa ako ng mapansin na may nakabuntot sa kanya na mga kasing edad niyang babae na nagtatago sa puno. Biglang lumingon ung batang lalaki kaya nagkanya-kanya tago ung mga babae.
"Lumabas na kayo dyan, isusumbong ko kayo kay Ate Maria," masungit na sabi nito wala pang isang minuto ay nagsilabasan ang mga babae.
Nasa limang babaeng kasing edad niya yon at lahat sila nakahilera at yumuko sa harapan ng lalaki. Sinamaan lang sila ng tingin ng lalaki at biglang binaba ang aso niya sa harapan ng mga babaeng nakahilera.
"Takbo Pablo. Habulin mo sila," sabi nung batang lalaki na at natawa ako ng tumahol ung puppy. Kahit parang paos ung boses ng puppy at maliit palang nagsitilian parin ang mga babae at nagsimulang tumakbo palayo.
Napahagalpak ako ng tawa sa ginawa ng batang ito. Nang makalayo na ung mga batang babae sa kanya ay agad niyang dinampot ang aso niya. Nakita ko pa kung pano niya himasin ang ung balahibo ng aso. Biglang may dumating na isang babae, pamilyar ang mukha niya at kasunod niya ang limang babaeng tumakbo kanina.
"Reymundo. Ano na naman ang ginawa mo sa kanila?Babawiin ko na talaga si Pablo sayo," sabi ng babae at akmang kukunin niya ang aso pero agad itong nilayo.
"Sinabi ko sayo Ate Maria. Hanggat hindi sila humihinto at pagpapatuloy kong ipahabol sila kay Pablo," masungit na sabi nito at tumalikod na. Napahawak nalang sa ulo ang babae.
BINABASA MO ANG
In the Moonlight of 1892
Mystery / Thriller1/2 of Moonlight Duology || In the Moonlight of 1892 "If time heals everything, it almost a hundred years. Why it so painful to hear?" Hindi inaasahan ni Izack na ang simpleng hiling niya lang sa isang matandang hukluban sa pangit ay matutupad. Ano...