Maria
"Kung ganon ay para kang burda, kailangan munang paghirapan bago ko makamtam,"
"Masyado mong nilayag ang isip ko, at hindi sinasadya mong napuntahan ang isang pagaari ko. Kailangan mo yon na panindigan. Handa kaba?"
"Huwag kang magalala, kahit nahanap mo ang isang pagaari ko ay hindi ako magagalit sayo bagkos ay kailangan mong panindigan ang pananatili mo,"
Dalawang oras.
Dalawang oras ng tumaktakbo paulit-ulit ang sinabi ni Isidro sa ulo ko. Wala akong makitang tamang sagot sa mga tinuran niya. Ano bang dapat isipin ko sa sinasabi niya?
Dalawang oras nakong ngbuburda pero hindi ko matapos-tapoa dahil nagkakamali ako kaya kailangan kong umulit. Sumapit na ang ala sais kaya kailangan ko nang ihinto at tumulong ng magluto para sa hapunan.
Pati din sa pagluluto ay wala ako sa sarili ko. Minsan napapatulala nalang ako sa kawalan nang mapansin yon ni Gabriela ay siya na ang nagpatuloy ng pagluluto.
Tinanguan ko lang siya at hinanda ang mga rekados kahit wala talaga ang atensyon ko sa mga iyon. Diko rin alam kung bat ako nagkakaganito dahil umamin sakin si Is-ano.
Hindi lang naman siya ang umamin sakin ngunit pero sa kanya lang ako nakaramdam ng pagkailang. Bakit nga ba ako nailang sa kanya? Napakabanyaga ng pakiramdam.
Hindi man niya pinunto pero alam ko kung anong ibig sabihin niya sa bawat katagang iniwan niya. Sa kung panong paraan niya nakuha ang atensyon ko. Na kahit minsan ay nasungitan ko siya, nakaligtaan magpasalamat sa tuwing nililigtas niya ako sa maliit na bagay.
Ang unang bagay na naisip kong gawin ay ang iwasan siya. Iwasan siya dahil baka pati ako bumigay na. Sa napakaikling panahon na pinadali ng kahapon ang isa sa nakakatakot dahil ang panandaliang sayang idinulot ay baka mapalitan ng pangmatagalan na lungkot.
Pinagmasdan ko kung paano umiikot ang orasan sa aking harapan na walang pakielam sa paligid niya. Patuloy lang siyang iikot at binabalewala ang mga bagay na kusang humihinto para sa kanya.
Minsan ko nang naisip. Napakaganda siguro ng hinaharap ng Pilipinas. Sa gandang taglay nito ngayon ay ninanais ko na sana kahit lumipas ang panahon ay hindi magbabago.
Magbago. Araw-araw may nagbabago. Walang bagay na permanente. Lahat napapalitan. Lahat naluluma ng panahon at lahat pinapalitan ng bago.
"Sa tingin mo Gabriela, ang Pilipinas ba ay ganto parin ba kasigla at kasaya sa paglipas ng panahon?" Tanong ko sa kanya habang hinahalo nito ang aming makakain.
"Oo naman Binibining Maria. Sa gandang taglay ng Pilipinas hinding-hindi ito maluluma. Maaari nang mapalitan ng bago ang lahat, magbago ang hugis ng bawat tahanan, magbago man ang paraan ng paglalakbay mayroon isang hindi magbabago," nginitian ako nito at tinikman ang kanyang niluto.
"Sa tingin mo, ano iyon?" Tanong ko sa kanya habang nagaayos ng mga lubyertos at plato.
"Ang pagmamahal natin sa ating bayan. Isa yan sa hinding-hindi magbabago. Mapalitan man ng bago lahat ng luma. Magkulang man ang nakaraan para mapunan ang kasalukuyan ay ang pagmamahal natin sa ating bayan ang kailanman hindi madadaig at hinding-hindi malulupid." Nginitian ko siya sa kanyang mga tinuran.
Napakaganda
Nagsimula nakong ayusin ang mga plato sa aming hapagkainan. Tinulungan ako ni Kuya Carlito sa pagsasaayos nito habang si Ina naman ay pinuntahan ang kusina upang ihanda ang aming makakain.
Pinagmasdan ko ang araw na kita sa aming balkonahe. Kay dilim na ng paligid ngunit hindi parin ito lumulubog. Ang liwanag na kanyang hatid ay nagdulot ng kahel na ulap sa kalangitan at lilang kalangitan.
BINABASA MO ANG
In the Moonlight of 1892
Tajemnica / Thriller1/2 of Moonlight Duology || In the Moonlight of 1892 "If time heals everything, it almost a hundred years. Why it so painful to hear?" Hindi inaasahan ni Izack na ang simpleng hiling niya lang sa isang matandang hukluban sa pangit ay matutupad. Ano...