• S I E T E

45 10 0
                                    

Isidro

Carlito? Manuelito? Pano kayo nagkakilala at bakit hawak ni Carlito ang kamay ni Manuelito? Anong meron?

"Isidro!" Agad kong nilingon si Manuelito ng tawagin niya ako.

"May problema ba?Kagabi kapa balisa simula ng umali tayo sa Mansyon ng Montecillio." Sabi nito sakin umiling lang ako sa kanya at uminom ng tubig.

Kakatapos lang namin sa pagtatanim ng paunang binhi at simula kaninang umaga ay binabagabag ako ng nakita ko. Naalala ko na naman ang paguusap namin ni Binibining Maria.

"Saan ba dumapo mo at natulala ka?" Sabi ni Binibining Maria at dumapo ang tingin sa tinitignan ko.

Nakita ko kung pano manlaki ang mata niya sa nakita niya. Muli kong pinagmasdan sila. Nakita ko kung pano yakapin pabalik ni Manuelito si Carlito ng yumakap ito sa kanya. Agad naman tinalikuran ni Binibining Maria ang natanaw niya at ginaya ko siya.

"Hindi maari. Paniguradong magagalit si Ama kapag nalaman niya ito. Bawal ang pagmamahalan nila sa harap ng Dyos at mismong sa mata namin," naiiling nasabi nito at parang hindi makapaniwala sa nakita.

"Ngunit ang pagmamahal walang limitasyon. Hindi dapat pinagbabawalan o kung anupaman. Mahal nila ang isa't-isa at wala tayong karapatan diktahan sila kung sino ang dapat mahalin dahil lahat tayo ay malaya. " Tinignan ko pa siya ng maramdam ko ang tingin niya sakin.

"Malaya tayong pumili ng mamahalin, hindi hadlang kung anong antas mo sa lipunan, kung ano ang iyong kasarian, kung sino ang dinidikta ng isip mo na mahalin kung iba naman ang nilalaman ng iyong puso." Sabi ko sa kanya at nagsimulang maglakad palabas.

"Nguni---" sabi niya pero agad ko siyang pinutol at humarap sa kanya.

"Kung hindi mo kayang ibigay ang pagtanggap sa kanila. Respeto nalang para sa kanila dahil tao din sila at lahat tayo may karapatan mahalin kung sino ang nilalaman ng puso natin." Sabi ko sa kanya at hinawakan ang serunda ng pinto.

"Salamat Ginoong Isidro." Tinalikuran ko nalang siya at bumalik nasa sa lugar kung saan naguusap.

Siguro ganun naman talaga. Hindi mo aga matatanggap na ganon ung mga klaseng tao pero kailangan mo nalang silang irespeto. Hindi dapat sila pangunahan na magsabi sayi ng totoo. Dapat tanggapin sila at ako? Pinagaaralan ko pa pero hindi naman imposibleng tanggapin ko sila.

Love knows no gender.

"Maayos lang ako. Tara na at kumuha ng salapi tapos na ang trabaho natin ngayong araw." Sabi ko kay Manuelito at nginitian ito.

Siguro sa panahon na ito yung iba kamumuhian sila. Hindi tatanggapin o pandidirihan pero handa ako protektahan yung pagmamahalan nila dahil sa panahon ngayon mahirap ng mahanap yung puro at totoong pagibig.

Masaya akong natagpuan nila yon.

"Masama bang magmahal?" Tanong sakin ni Manuelito kaya agad ko siyang nilingon.

Kasalukuyang kaming nagaayos ng gamit namin dahil uuwi na kami sa bahay panuluyan.

"Hindi. Kailanman man hindi magiging mali ang pagmamahal. Hindi siya naging mali sadyang may mga tao lang na mali ang panananaw nila sa pagibig." Mahiwagang sabi ko sa kanya.

Hindi man niya sinentro pero alam ko kung saan siya papunta. Gusto kong iparamdam sa kanya na kahit kailan tanggap ko siya.

"If I die will you be free?" Tanong ng isang imahe ng babae sa lalaking kaharap niya.

In the Moonlight of 1892Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon