• N U E V E

39 10 0
                                    

Isidro

Pinagmasdan ko lang kung pano kumain si Reymundo ng kakanin na gawa ni Ginang Gloria. Masayahin ang bata sadyang may ugali din siyang masungit at suplado. Manang-mana sa kanyang Ate Luciana.

"Salamat at hindi mo kami hinusgahan." Narinig kong sabi ni Ginoong Carlito nakikipaglaro kasi si Manuelito kay Reymundo matapos nitong kumain. Si Theresita naman ay nakangiti lang sila na pinagmamasdan.

"Wala naman talaga akong karapatang husgahan ang pagmamahalan na mayroon kayo. Sino ba ako? Hindi ko naman hawak ang inyong puso para patigilin sa pagtibok ng pangalan ng isa't-isa." Sagot ko dito at pingmasdan pa ang paghahabulan ni Reymundo at Manuelito.

Sa payak na tahanan lang pala ni Ginoong Corsino makikita ko kung gano kalapit ang mga Montecillio sa mga tauhan nito. Hindi sila naging matapobre. Narinig ko pa minsan na gustong magmadre ni Theresita at walang tutol ang kanyang magulang dito.

"Salamat padin sa pagkumbinse kay Maria. Hindi ko alam kung ano ang maaaring mangyari kung sakaling sinabi niya ito," pagpapasalamat parin nito sakin.

Nakaupo siya sakin harapan pero hindi nito natakpan ang pinagmamasdan ko. May itsura si Ginoong Carlito, kaya pala mabait sa mga babae ngunit kailanman ay hindi ko ito napansin na maging malambot. Lalaking-lalaki ito kumilos. Kagaya ni Manuelito na kailanman ay hindi mo napaghahalataan.

"Ginawa ko lang ang nararapat. Wala kaming karapatan na pakielaman kung anong mayroon kayo ni Manuelito. Kayo lang ang may karapatang magsabi niyan at hindi kami." Sabi ko dito at uminom ng kape.

Nakakatakot para sa pagmamahalan nila. Noong nasa kasalukuyang panahon pa nga lang ako ay halos hirap nang tanggapin ng mga tao yung katulad nila. Paano pa kaya kung sa panahaon na ito diba?

"Salamat Isidro. Napakalawak ng pangunawa mo," sabi nito sakin ngunit inilingan ko lang siya at tumayo na.

"Wala kang dapat ipagpasalamat, ginawa ko lang ang dapat gawain ng isang kaibigan. Ang protektahan ang kaibigan," sabi ko dito at nagsimula nang sumali sa habulan.

Napakaliksi ng bata na ito. Magaling siyang umiwas at di magpahuli. Gumagamit din siya nang taktika kaya minsan ay di namin siya mahuli pero kahit ganoon ay mas malaki padin kami sa kanya. Sadyang di siya mabilis mapagod.

"Ate Maria!" Sigaw ni Reymundo at lumapit sa Ate niyang paparating.

Nakabestida si Bimibining Maria ngayon at bumagay yon sa kanya. Napansin kong medyo kulot ang buhok niya at nagpabawas yata siya ng buhok. Kasama nito si Gabriela na nakangiti samin.

"Gandang Hapon Binibining Maria, nakakatuwa na dinadalaw kami ng mga anak ng Montecillio," sabi ni Ginang Gloria.

"Kamusta kana Ginang Gloria?Ikaw den Ginoong Corsino? At syempre ang napakagandang si Theresita. Maayos kalang ba?" Sabi ni Binibining Maria nahihiyang lumapit si Theresita sa kanya.

"Ikaw talaga Ate Maria, palagi mo nalang akong binibiro. Salamat nga pala sa pagturo mo sakin kung paano magburda," sabi ni Theresita at mbakas sa mata nito ang saya ganoon din si Binibining Maria.

"Umalis ang tauhan sa isa sa mga tindahan nang mga burdang ginagawa ko. Maaari kabang magtrabaho doon habang tinuturuan kita?" sabi ni Binibining Maria nanlaki ang mata ni Theresita pati din sila Ginoong Corsino napangiti nalang ako.

"Binibining Maria, marami kanang tulong sakin kaya nakakahiya naman kung tatanggapin ko ang alok mo," nagdadalawang isip na sabi ni Theresita.

"Ako bilang Kuya mo Theresita masasabi kong dapat kang sumubok ng ibang bagay o gawain para mas maging malawak ang iyong kaalaman sa mga bagay-bagay." Payo ko sa kanya bahagya pang ngumiti sakin si Binibining Maria.

In the Moonlight of 1892Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon