• V E I N T E

30 5 2
                                    

Third Person

Bago pa tuluyan si Isidro ay nilapitan siya ni Aurelia. Nakita niya kung paano iyon umiwas ng tingin, hindi niya inaasahan na lalapitan siya ni Aurelia.

Simula kasi ng maging sila ni Maria ay dumistansya si Aurelia at tanging si Gabriela at Teodora ang nandyan para supportahan sila.

Kahit si Maria ay nagtataka rin, pati si Gabriela dahil maayos naman ang pakikitungo nila sa isat-isa ngunit nitong nakaraan araw ay umiiwas ito.

Nakaramdam naman ng konting tampo si Gabriela dahil bukod kay Binibining Maria ay tinuturing niya ring kapatid si Aurelia. Kahit minsan ay tahimik ito at misanan lang ngumiti.

"Ginoong Isidro." Pagbati dito ni Aurelia kaya nilingon niya ito. Nakita niya ang kabadong mukha nito.

"Anong kailangan mo Aurelia? Alam mo bang nagaalala si Gabriela sayo?Bakit mo siya iniiwasan?" Direktang sabi ni Isidro sa kanya nagulat pa si Aurelia at panandaliang nagbago ang rekasyon.

"Alam ko, ngunit hindi rin nararapat kung mangunguna ako sa bawat desisyon. May mga bagay na dapat nanatili lamang sa kung saan at hindi na nararapat umusbong pa," blangkong sabi ni Aurelia at nagsimula ng maglakad sa kabaliktaran ng nilakaran ni Maria.

"Ngunit nagaalala siya sayo, iniisip niya na baka may nagawa siyang hindi mo nagustuhan," sabi ni Isidro sa kanya ngunit umiling na lamang si Aurelia.

"May mga pagkakataon na kailangan nating mamili ng papanigan kahit ang maging kapalit nito ay maiwan kang magisa sa huli." Tanging sabi ni Aurelia at tinignan siya sa mata.

"Hindi si Gabriela ang problema, may pinanigan kang isang panig at pinananinindigan mo lamang iyon," naiiling na sabi ni Isidro di maiwasan na mamangha ni Aurelia.

"Bawat desisyon kailangan mong panindigan dahil sa oras na hindi napanindigan ay magiging isang malaking pagkakamali nasa huli ay iyong pagsisihan," tanging sabi na lamang ni Aurelia.

Sa kabilang banda naman ay bahagyang lumingon si Maria at nakita niya ang pigura ni Isidro na nakikipagusap sa isang babae.

"Aurelia? Anong kailangan mo?" Tanong niya sa kanyang sarili at tinitigan ang ginagawa ng dalawa.

Isa lang ang pumasok sa isip ni Maria ng mga oras naiyon. Alam niyang may sinasabi si Aurelia na nagmula sa kanyang kapatid na si Binibining Luciana. Hindi niya maiwasan mangamba.

Mangamba para sa pagmamahal sa kanya ni Isidro, baka magpadala ito sa mga sasabihin ng kanyang panganay na kapatid na si Luciana. Ayaw niyang mawala ang kasiyahan na nararamdaman niya.

Ngunit alam niya, iniibig siya ni Isidro. Siya ang nilalaman ng puso nito kahit hindi nito direktang sabihin sa kanya, nararamdaman niya ang naguumapaw na pagmamahal nito sa kanya.

Sigurado na siya, sigurado na siya na si Isidro ang para sa kanya. Marami ng dahilan para manatili siya at hindi na niya pakawalan ang nararamdaman niya.

"Ginoong Isidro, nais kang makausap ni Binibining Luciana. Puntahan mo na lamang siya sa Agos ng Buwan. Naroon siya at naghihintay." Nagtaka naman si Isidro kung bakit siya gustong kausapin ni Luciana.

"Para saan? Sa anong dahilan?" Tanong ni Isidro sa kanya ngunit umiling lamang si Aurelia.

"Wala akong karapatan upang makielam sa kung anong sigalot na iyong napasukan ngunit isa lamang ang nasisiguro ko." Pambibitin ni Aurelia sa kanyang sasabihin.

"Kailangan mong manindigan."

Matapos sabihin yon ni Aurelia ay tinalikuran na niya si Isidro at nagsimula ng maglakad. Bahagya pa siyang lumingon upang makita ang tinatahak na daan ni Isidro.

In the Moonlight of 1892Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon