T R E I N T A Y T R E S

16 2 0
                                    

Isidro

Narito ako ngayon sa aking silid, pinagmamasdan ang libro ni Ulan hindi ko batid kung anong dahilan ni Luicana. Sa pagkakaligtas niya sa akin ay hindi ko batid kung anong dahilan nito.

Alam ko naisa siyang babaeng may paninindigan ngunit bakit magwa niyang baliin ang kanyang sariling prinsipyo para lamang sa katulad ko.

Hindi ko batid kung anong rason sapagkat maski ako ay naguguluhan sa kanya, hindi ba ay dapat naroon siya sa kanilang bayan upang asikasuin ang kasalanan na magaganap sa kanila ni Eduardo.

Muli kong pinagnilayan ang mga nangyayari nitong nakaraan, simula ng dumating ako sa San Agoncillio hanggang sa dumating si Luciana sa aming bayan, ang pagkakatuklas ko sa koneksyon ni Ulan at ng tunay na Isidro, sa pagligtas sa akin ni Luciana at sa paguusap namin kanina.

Hindi ko maiwasan ipagtagpi, tagpi ang lahat ng  kaganapan na ito. Hindi pa nagpapakita sa akin si Serenio simula ng lisanin ko ang bayan ng Montecillio.

Asaan na kaya siya? Bakit may parang hindi pako alam, parang hindi lang ito isang simpleng pagbalik sa nakaraan at pagtupad sa kahilingin.

Bumanling ang aking tingin sa libro ni Ulan, tila may nagsasabi sakin na buksan at ito ay basahin ng tuloy-tuloy.

Biglang sumagi sa aking isipan na kung may kaugnyan nga si Ulan at ang tunay na Isidro. Maaaring magpakita ang tunay na Ulan sa akin, ngunit papaano kung saka-sakali na may hindi sila pagkakaunawaan.

Nilamon ako ng aking isipin kaya hindi ko napansin ang pagtakbo ng oras kakaisip, hindi ko alam kung anong problema sa akin tila yata masyado akong ginagambala.

Halos dalawang buwan na nga pala ako sa panahon na ito hindi ko man lamang namamalayan kung gaano ako katagal dito.

May siyam na buwan na lamang ako upang manatili dito, pagkatapos nito ay makakabalik nako sa kasalukuyan. Maiiwan na ang mga bagay na nangyari sa nakaraan at hindi na nararapat pang balikan.

Agad akong napalingon ng may kumatok sa akin pintuan kaya naman ay pinapasok ko ito.
Pumasok si Manuelito.

"Ginoong Isidro, pinapatawag kayo ng inyong Ama sa kanyang Silid tanggapan." Agad akong tumayo at lumabas sa aking silid.

Paglabas ko sa aking silid ay agad kong tinahak ang daan patungo sa silid tanggapn ng aking Ama. Nakita kong bukas ang pintuan kay sumilip muna ako at tinawag ang atensyon ng aking Ama

"Ama?" Agad itong luminhon sakin at sinenyasan na pumasok, hindi narin akong nagabala na isara ang pinto.

Ang himoy ng hangin ngayon dapit ng hapon ang naghahatid ng kalmadong panahon sa silid ng iyon.

"Pinapatawag niyo raw po ako Ama?" Paninimula ko dito marahan naman niyang binaba ang aklat at marahan tinanggal ang kanyang salamin sa mata.

"Pinatawag kita upang pagusapan na simula sa susunod na araw ay magiging estyudyante ka ni Binibining Luciana." Kasing bilis ng kidlat bumaha sakin ang pagtataka.

"Ngunit Ama hindi ko maunawaan, bakit ako magiging estyudyantr ni Binibining Luciana?Sa anong dahilan?" Tanong ko rito ngunit mas lalo lamangsiyang sumandal sa kanyang kinauupuan

In the Moonlight of 1892Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon