• C U A R E N T A

35 4 2
                                    

Isidro

"Anong ginagawa natin rito sa Plaze de Cillio, Isidro?" pagtatanong sakin ni Manuelito ngunit imbis na sagutin siya ay nanahimik ako.

Hindi ko rin alam kung anong ginagawa namin ditong dalawa ngunit nakatanggap kami ng sulat na pinapapunta kami rito.

Hindi ko alam kung sino o ano, ngunit pinagmasdan ko ang paligid. Puro kababaihan ang nakita ko, at hindi lumagpas sa aking mata kung paano sila maghagikhikan.

Hindi ko gusto ang takbo ng pangyayaru na ito, at sa isang iglap lang ay biglang nagsilapitan ang nga kababaihan samin.

"Kay gandang araw Ginoong Isidro ako, ako nga pala si Binibining Abuela mula sa tahanan ng Dela Costa." Pagpapakilala ng isang binibini agad ko siyang nginitian at binati.

Narinig ko ang isang tunog mula sa paparating na kabayo kaya naman agad doon nabaling ang atensyon ko at nakita ko si Luciana na nakasakay roon at tila masama ang tingin sa akin?

Agad siyang binati ng mga kababaihan na kasama ko ganoon rin si Manuelito. "Magandang araw, Binibining Luna? Ano iyon at tila nagmamadali kayong pumarito?" Tanong sa kanya ng babaeng nagpakilala sa akin ngunit imbis na pagtuunan siya ng pansin ni Luciana ay tumingin ito sa akin.

"Pinagalala mo ako at maabutan lang kitang narito?" Deretsahang sabi nito na kinanlaki ng mata ni Manuelito at agad masuyong pinaalis ang mga babaeng pumapalibot sa amin kanina.

Kumunot noo ako dahil sa kanyang tinuran sa pagkakaalam ko ay ayaw niya magpagambala at hindi ako pumunta rito para makipagkilala.

"Anong nangyayari? At tila nagaalala ka sakin?" Pagtatanong ko rito ngunit imbis na pansinin oa ang aking tanong at tumalikod na sa amin habang nakasakay siya sa kabayo.

Agad kaming nagkatinginan ni Manuelito at sinundan namin siya. Nanatali lamang siyang tahimik habang nakasunod kami sa kanya tila ayaw magsalita.

"Hindi mo ba sasagutin ang katunungan ko?" Pagtatanong ko sa kanya ngunit katqhimikan lamang ang sinukli nito.

"Binibining Luna, mananatili kana lamang ba na walang imik?" Pangungulit ko dito, nagulat ako ng bigla itong lumingon sa akin.

Matalim ang kanyang tingin "Magiingat ka, hindi sa lahat ng oras mananatili kang ligtas." Turan niya at tumalikod na samin lulan ng kabayo.

Hindi ko siya lubos maintindihan daig niya pa ang isang misteryo na kay hirap lutasin. Umiling na lamang ako at sumalubong ang tingin sakin ni Manuelito na tila nagdududa at sa wari palang ng kanyang tingin alam ko na kung anong ibig niyang sabihin.

"Kung anumang nasa isip mo, itigil mo na'yan. Hindi maaari ang nasa isip mo." sabi ko sa kanya at umiling-iling pa kumunot ang kanyang noo.

"Ikaw yata ang may ibang iniisip Isidro, nagdududa ako sa biglang pagpunta rito ni Binibining Luna sakay pa ng isang kalasa at ikaw ang pinuntahan?" Napakamot na lamang ako sa aking ulo sa maling pagaakala bigla namang sumingkit ang kanyang mata na tila may tinutuklas.

"Huwag mo sabihin..." nagiwas lamang ako ng tingin at tumalikod na sa kanya at naglakad.

Hindi ko gusto ang patutungahan nito, alam ko iyon. Alam kong hindi maiiwasan pero tila nagdadalawang isip ako. Nakakatakot sumugal sa isang bagay na walang simula at tila wala ring kahahahantungan.

Isa sa pinakanakakatakot na bagay sa mundo ang simulan ang isang bagay na walang kasiguraduhan, ang paglaan iyon ng oras at panahon na hindi mo alam kung iyon nga ba ang kahahantungan.

Aanhin ang pagod, oras at pagmamahal na binuhos kung hindi rin naman ito ang nakatakda sa buhay na sinasabihay mo. Anong silbi ng sakit at luhang masasayang lamang sa maling pag-ibig.

In the Moonlight of 1892Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon