• T R E I N T A Y C I N C O

16 2 3
                                    

Isidro

"Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip mo at ako ngayon ay ginugulo mo," Naiinis na sabi sakin ni Luciana habang nakaupo siya sa isang salumpuwit at nagpapaypay ng abaniko.

Ngunit imbis na sagutin siya ay nanatili lang akong nakatayo sa gilid niya habang si Aurelia naman ay napapailing sa aming dalawa. Kanina pa kasi ako nakasunod at sumasama kung saan man sila magtungo at bakas na ang iritasyon sa mukha ni Luciana.

Siya na ng itong sinasamahan, masama pa ang loob.

Narito kami ngayon sa isang lugar sa aming bayan, at mamahagi ng ilang bigas at mga kagamitan na isa sa mga gawain ng aming pamahalaan dito sa aming bayan.

Kagaya ng nakagawian ay nakapila silang naghihintay sa amin, masaya silang nagkwekwentuhan habang hinihintay ang pagsisimula ng makita kong tapos na sila ay handa na sana ako alalayan si Binibining Luciana.

Ngunit nauna ang pagtayo nito ngunit naipit ang laylayan ng kanyang damit sa upuan kaya muntik na siyang mawalan ng balanse mabuti nalang mabilis kong nasambit ang kanyang kamay. Agad naman tinanggal ni Aurelia ang salumpuwit upang makatayo si Luciana ng hindi nasisira ang kanyang damit.

Sinamaan pa ako ng tingin ni Luciana bago bitawan ang aking kamay at nauna ng humarap sa mga taong naghihintay. Bahagya pang natigilan ang mga tao roon ng harapin sila ng tila mataray na mga mata nito ngunit napawi iyon ng magsalita si Binibining Luciana.

"Ang aming munting pagtulong ay hindi nagsisilbing pagkuha ng inyong loob bagkus pawang pagtulong lamang sapagkat ang mga mamayang nagkakaisa ay tungo sa isang nayon na masagana." May diin at autoridad na sabi ni Luciana na kita sa kanyang mukha na gusto niyang iparamdam na wala siyang ibang intensyon

"Maaaring hindi naging maganda ang pagkakakilala ninyo sa akin ngunit ninais kong maging daan sana ito upang maipakita natin ang katorohanan at hindi maging labis-labis ang kasinungalingan." Napatango-tango ang mga tao roon habang nagsasalita siya.

She's the lady who know where truth lay

Hindi ko maiwasan na hindi siya ngitian kahit alam kong hindi niya iyon makikita. Hindi ko maaaring ilarawan sa kanya ang isang maganda o isang marikit pagkat naiiba siya sa lahat ng iyon.

Nakikita ko ang tapang at lakas ng loob ngunit sa pabor na nakukuha niya mula sa Espanya hindi ko lubos maisip ang kapalaran ng pamilya niya. Maaaring isa sa mga anak niya ang magmana ng kanyang galing sa pananalita.

Makapagasawa ng isang dayuhan mula sa espanya, hindi ako nagtataka pagkat sa katalinuhan at kakaibahan niya sa lahat ngunit kailanman hindi na mawawala sa akin isipan na isa siyang babae.

In the Moonlight of 1892Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon