• S I M U L A

568 17 2
                                    

Naalimpungatan ako ng mapansin ang kakaibang pakiramdam na nararamdaman ko. First of all, alam kong nasa loob ako ng kwarto ko natulog bat parang nagbago yata?

Unti-unti kong minulat ang mata ko at nanlaki ang mata ko ng makita ko kung nasaan ako.

"The fuck im doing here?" Nakasigaw na sabi ko.

May tatlong pinto ang nasa harapan ko at mayroon na akong ideya kung ano yon pero wag naman sana. Hindi pa naman ako patay diba?

Humihinga pako at kung sino man ang dala sakin dito sana sinabi niya yung pinto papunta sa langit para naman alam kong safe ako diba?

"Hello Izack," agad kong nilingon ang nagsalita na estranghero na lalaki.

Hindi ko siya kilala. Tila yata kilala niya ako. Sa tanang buhay ko wala pakong nakikitang lalaki na kasing jejemon niya manamit. Wala ba siyang maayos na taste ng damit?

"Hindi mo nako naaalala. How dare you wish from me kung kakalimutan mo den ako?" Sabi ng lalaking to.

Apakademanding naman nito akala mo close kami. Isa lang naman siyang estranghero na diko kilala. Wait, teka wish?

"Ikaw ung hukluban sa pangit na matanda?" Nagtatakang tanong ko napansin kong bigla umasim ang mukha nito.

"Nope, hindi ako yon. Ang kapal mo para sabihin na ako yon? Sa gwapo kong to?"Isa lang ang masasabi ko.

Napaka-hangin mo

"Ako si Serenio, at yung matandang sinabihan mo ng tatangi mong hiling at nandito ako ngayon para tuparin yon." Seryusong saad niya.

"Wala akong maalalang hiling?Ano bang sinasabi mo?" Nagtatakang sabi ko dito.

"Humiling ka sakin na iparanans sayo ang buhay sa nakaraan hindi ba?" Sabi ni Serenio bigla kong naalala ang usapan namin ng matanda.

"Oo humiling ako sayo pero diko sinabing tuparin mo," naiiling kong sabi sa kanya.

Pano ako maniniwala sa kanya? Eh kahit gusto ko maranasan ang buhay sa nakaraan ay hindi na pwede. Buti sana kung may time machine eh.

"Kaya kitang ibalik sa nakaraan Ginoo, basta papayag ka sa ating kontrata," sabi ni Serenio.

Anong kontrata pinagsasabi niya?Hindi pa nga ako naniniwala na siya ung hukluban sa pangit na matanda tapos sasabihin niya tutuparin niya ung kahilingan ko na iparanas sakin ng buhay sa nakaraan.

"Basahin mo ang kontrata na nasa iyong harapan," sabi ni Serenio.

Nagulat ako ng biglang magkaroon ng lamesa sa harapan ko, isang sinaunang panulat, kutsilyo, maliit na lalagyan ng tinta at isang papel na may nakasulat.

Sa iyong kahilingan,

Ako si Serenio, ang lalaking tagapangalaga ng kaayosan ng panahon ay tinutupad ang iyong kahilingan na iparanas sayo ang buhay sa nakaraan ng panandalian.

Ang anumang nasa loob ng kontrata iyong mababasa ay hindi mo maaring ipagkalat o ipagsabi sa iba dahil kahit gustuhin mo man ay hindi ka dito makakalabas ng buhay.

Tinutupad ko ang iyong kahilingan kapalit lang ng iyong kooperasyon at tiwala.

Hindi mo na dapat alalahanin ang iyong buhay dito sa kasalukuyan dahil hindi iyon maapektuhan.

Maliban nalang kung babaguhin mo ang nakaraan pero sa oras na baguhin mo ang nakaraan sa impyerno ang magiging iyong habang buhay na tahanan.

Nang mabasa ko ang kontrata, wala naman akong nakitang masama at saka one time experience lang ito na bumalik sa nakaraan kaya dapat tanggapin ko na. Kinuha ko ang kutsilyo at sinugatan ang aking daliri. Ang dugong lumabas doon ay pinatak ko sa maliit na lagayan ng tinta at kinuha ang pananulat at pinirmahan ang kontrata.

Nang matapos akong pumirma ay doon ko lang napansin ang susunod na nakasulat sa ibaba:

Sa oras na iyong pirmahan ang kontrata ay wala kanang karapatan na tumanggi sa lahat ng ipapagawa ko sayo.

Bibigyan kita ng minsyon bilang kapalit ng iyong hiling at kailangan masa-ikatuparan mo ito bago matapos ang kontrata.

Ang kontrata na ito ay may bisa ng labing dalawang buwan anumang mahika na gagamitin para sa isa walang bisa ang kontrata ay walang silbi

Mga dapat mong tandaan sa oras na mapunta ka sa nakaraan:

Una, unahin ang misyon sa lahat ng oras at pagkakataon

Pangalawa, wala kang karapatan na magmahal ng isang nilalang na galing sa nakaraan

Pangatlo, sa oras na labagin mo ang naunang dalawang dapat tandaan ay hindi kana makababalik sa kasalukuyan at itatapon sa impyerno.

"Serenio, binabawi ko ang kasunduan sa kontrata ayoko nga ipahamak ang buhay ko dyan," sabi ko at akmang pupunitin ang kontrata pero bigla iyon naglaho sa harapan ko.

"Pinirmahan mo na at iyong dugo pa ang naging tinta nito kaya kung gusto mo pa mabuhay ay sumunod kana lang," nakangising sabi niya hinila niya ako at biglang binuksan ang unang pintuan.

"ANONG GAGAWIN MO?WAHHHHH MAMATAY KANA SERENIO," Napasigaw nalang ako sa nakakasilaw na liwanag. Matapos niya akong itulak papasok ng pinto.

In the Moonlight of 1892Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon