II

28 5 0
                                    

"Mga Sana"

Ang dami talagang namamatay sa maling akala,
'Yung akala mo espesyal ka para sa kaniya
'Yung akala mo sayo lang siya sumasaya
'Yung buong akala mo hindi siya lumilingon sa iba
Ako kasi.. nabiktima na ng maling akala, asa ako nang asa ngunit lahat 'yon ay kaniyang binalewala kahit siya mismo ang nagbitaw ng kung ano anong mga salita..

Oo, tayo'y mag-M.U. lang,
M.U o sa madaling salita malabong ugnayan
Tila magka tugma ang nararamdaman
Ngunit walang nagaganap na ligawan
Mahal ko ngunit wala akong karapatan
Iyon ang dahilan, kaya ako nasasaktan.
Pero alam mo kung anong mas masakit? Mahal kita pero hindi kita maangkin,
Gustong gusto kita pero hindi ka mapasakin,
Gusto kitang yakapin pero naalala ko.. hindi ka nga pala akin.

Pero bakit ka nagbitaw ng salita? Mga salita na aking pinanghawakan dahil 'yon ang aking akala. Mga salita na aking pinahalagahan ngunit sayo pala'y balewala. Mga salita na iyong binitawan na buong puso kong pinaniwalaan. Pero 'yun pala'y palabas mo lang, lahat ng sinabi mo purong kasinungalingan. Oo, tugma ang ating nararamdaman pero ilang araw lang nang aking paglisan, nagulat ako at may nabalitaan,
Mahal sana sinabi mo naman..
sana sinabi mo na may gusto ka pang balikan!
Sana sinabi mo na ako'y sasaktan mo lang..
Sana sinabi mo na ako'y panandalian mo lamang..
Sana sinabi mo sa umpisa palang..
sana hindi na lang kita nakilala para ngayon hindi ako nasasaktan. Hindi ko naman kasi alam na gusto mo siyang balikan.
Pero mahal naman!! Wala namang ganyanan! Hindi ko alam kung anong aking lulugaran lalo na ngayong nagpasya ka ng lumisan.

Ang sakit.. wala kasing tayo pero lubos kang mapanakit!
Wala namang tayo pero bakit naiiyak ako sa sakit?
Hindi naman naging tayo pero bakit ako nasasaktan ng paulit-ulit?
Tila alam ko na kung bakit.. patuloy pa rin kasi akong umaasa kahit alam kong hindi ka na babalik..
Patuloy pa rin akong naghihintay kahit masakit..
At patuloy pa rin akong nagmamahal kahit walang kapalit..

Teka? Ano nga ba ako sayo?
Kaibigan lang ba o talagang pinakitaan mo lang ng motibo? Minahal mo din ba ako? O ginawang panakip butas para diyan sa nakaraan mo? Espesyal ba ako para sayo? O isa lang ako sa mga babaeng pinagtripan mo?!
Ay! Naalala ko, bawal nga pala akong magreklamo.
Wala nga pala akong karapatan sayo..
Wala nga palang tayo noh?
Pasensya na kung masyado akong nagpakatanga sa mga sinabi mo. Sa mga mabubulaklak na salita na binigkas ng mga labi mo.
Mahal ko.. isa lang ang hiling ko. Sana sinabi mo...

Sana hindi ka umamin na gusto mo din ako..
Sana hindi ako nagpabulag sa mga sinabi mo..
Sana hindi ako nagpaloko sayo..
Sana hindi ko pinaniwalaan lahat nang salitang nanggaling sayo..
Bakit kasi yung tadhana ganito?! Bakit kasi sayo pa ako nagkagusto?
Sa libo libong lalaking nasa mundo bakit ikaw pa ang nagustuhan ko? Bakit ikaw pa na ipagpapalit lang din ako? Bakit ikaw pa ang pinili ko kahit alam kong mahal mo pa ang nakaraan mo?
Minsan naiisip ko... bakit kaya ganito ang mundo? Kung sino pa ang minamahal natin ng totoo.. siya pa 'yung wawasak sa ating mga puso. Diba ang gulo? Hindi ko alam kung mananatili ba ako o lalayo na sayo..

Mahal, may gusto sana akong hilingin sayo bago ka lumisan. Bago ka bumalik sa kaniya at tuluyan mo na akong iwan.
Pwede mo ba uli akong kantahan? Sa ilalim ng maliwanag na buwan? Kahit saglit lang.. gusto ko lang ulit maramdaman kung paano mo ako noon pinahalagahan.
Mahal, naaalala mo pa ba? Yung gabing sobrang saya nating dalawa, yung tipong kahit gabing gabi na nagtatawanan pa rin tayo sa ilalim ng mga tala.. Mga sandaling hinawakan mo ang aking kamay, yung tipong ayaw na nating maghiwalay. Ang sarap alalahanin ng nakaraan.. pero habang akin itong binabalikan.. unti unti ko na ring tinatanggap na tayo'y hanggang dito na lang.

Salamat sa lahat ng masasayang alaala na kasama kita, salamat sa pagintindi at pagalaga, sa mga pagsuyo at pagpapasaya. Sana hindi ka na malumbay at sa kaniya'y mahanap ang hindi ko naibigay.. at sana puso ko ay tuluyan nang masanay sa ating paghihiwalay...

Idea Of Loving You: A Spoken Word Poetry Compilations (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon