VI

13 4 0
                                    

"Tanga"

Kailan ba ko huling ngumiti ng totoo?
Kailan ba huling nagkakislap ang mga mata ko?
Hindi ko na matandaan kung kailan..
Dahil sobrang tagal nang panahon na ang nagdaan..

Pero alam mo ba? Dahil sayo..
Nakangiti na ulit ako ng totoo,
nagkakislap ulit ang mga mata ko,
sumigla na ulit ang patay kong puso..
Dahil sayo nakita ko muli kung anong halaga ko..

Nakita ko na may importansiya pa pala ako sa mundo..
Pero kasalungat ng pagkakita ko sa halaga ko, hindi mo makita ang halaga mo, hindi mo makita na sinasayang mo ang mundo..
Sinasayang ka ng taong mahal mo
Hindi mo makita ang halaga mo dahil hindi ka nagtira ng pagmamahal para sa sarili mo..

Gustuhin ko mang samahan ka sa laban mo..
Pero hindi pwede dahil wala namang tayo, dahil meron nang kayo..
Bawal ako mangielam sa buhay mo,
pero mahal tandaan mo..
Sa oras na iwanan ka na niya...
sasaluhin kita..

Handa ako maging panakip butas mo
makalimutan mo lang siya..
Dahil kapag ako nagmahal,
daig pa ko pa tanga kung paano ko ibuhos sayo lahat ng pagmamahal ko.. daig ko pa ang isang tanga na kahit hindi mo ako gusto, ibibigay ko sayo ang buong puso ko..

Idea Of Loving You: A Spoken Word Poetry Compilations (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon