V

13 4 0
                                    

"Huling Kataga"

Bago ko simulan itong tula,
isusulat ko muna 'yung unang kataga, 'yun ay ang katagang mahal kita..
na binubuo ng mga salitang akin kana,
At sa bawat talata ng aking istorya
Ay ikaw ang pangunahing paksa na binubuo ng mga salitang akin kana..
at sa bawat katagang na kumakatawan ng bawat pahina ay minsan nakong naging tanga sa salitang mahal kita..

Sa tulang pinagbidahan nating dalawa
Dahil sa isang iglap ang takbo ng istorya ay bigla na lamang nagulo..
Ang kwento na sabay nating binuo ay bigla na lamang gumuho..
Sa istoryang tayo mismo ang bida ay mas pinili mo siya..

At sa bawat nabuong katha na sabay nating nilapatan ng sukat at tugma sa mga akdang ikaw 'yung prinsipe at ako ang prinsesa, ikaw 'yung bituin na nag bibigay liwanag saking gabi..

At kahit lumaban pako gamit ang aking panulat isulat ko man sa puso't isip mong minsan tayong naging tauhan sa isang buhat na alamat, mag mimistulang lamang akong isang hangal na pilit lumalaban kahit sa una palang.. alam ko na siya ang mas lamang..

At para sa aking huling katagang aking ginawa..
hayaan mong iukit ko sa bawat pahina ng kwentong tayo ang nag buo, ang mga katagang masakit man pero... malaya ka na.
Pinapalaya na kita sa mundong tayo 'yung lumikha..
Mahal paalam, uulitin ko, malaya ka na..

Idea Of Loving You: A Spoken Word Poetry Compilations (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon