Intro:
Wala akong maisip na titulo sa tulang 'to.. sa palagay ko, depende sa taga-pakinig kung anong gusto nilang ititulo. Itong tulang 'to ay isang aral para sa mga kabataang katulad ko na nakaranas ng diskriminasyon.. alam kong ang iba sa inyo'y napapaisip kung bakit ang paksa ko'y ganito, gusto ko kasing ibahagi sa inyo ang mga naging karanasan ko noon.. at mga naramdaman ko habang binubuska sa akin ang mga salitang 'yon.. gusto kong ipaalala sa lahat ng mga kabataan sa henerasyon ngayon, sana 'wag tayong maging mapanghusga dahil lang sa panlabas na anyo..Madalas naiisip ko, bakit kaya ako ipinanganak sa mundong 'to? Ano nga bang halaga ko? May dahilan ba ako kaya ako nandito? Ang daming tanong sa isipan ko na maski sarili ko, hindi ko masagot.. bakit sila may ganon? Bakit sila mas matalino? Bakit sila nakukuha lahat ng kanilang gusto? Bakit puro na lang sakit ang nararamdaman ko? Bakit puro lungkot at puot? Hindi ko alam kung anong maling nagawa ko, ako nga ba o sadyang mapanghusga ang tao?
Hindi ba ako karapat-dapat sa pagmamahal ng iba? Bakit lagi na lang akong iniiwang magisa? Ako ba'y naging masama? Lahat naman ng ginagawa ko ay tama, sadyang lipunan lang natin ang nagiging mapanghusga.. bawat galaw tinitignan, kahit panlabas na anyo ay hinuhusgahan! 'Yon ba ang dahilan kaya hindi ako nagugustuhan? Kaya ba madalas na lang akong iniiwan? Magisa sa buhay na puro karimlan, namulat ang mata sa mga taong wala ng ginawa kundi ako'y siraan..
Laging tanong sa sarili, palagi na lang ba akong mahihirapan? Ito na lang ba ang lagi kong mararamdaman? Puro sakit at laging dilim ang taguan? Gabi gabi ay basa ang unan dahil sa mga matang luhaan.. paulit ulit na nadidinig mga paninirang walang kapararakan, bilang tao.. hindi nila alam kung anong tunay kong nararamdaman, puro na lang panlalait at buskahan.. hindi ka Diyos para ako'y husgahan, pareho lang tayo kaya wala kang karapatan.. hindi ka ba napapagod sayong ginagawang kasalanan? O sadyang nasisiyahan ka dahil nakikita mong may nasasaktan? 'Wag kang magpalamon sa maling kagawian, hindi tayo nagsusulit sa tao kundi sa ating Diyos, kaibigan.. paalala ko sayo, 'yang ginagawa mo ay malaking kasalanan..
Kung makapanghusga akala mo kung sinong perpekto! Kung makapanira, akala mo kung sino! Paalala ko lang sa inyo, pantay pantay lang tayo sa mundo at walang sino man ang perpekto! Lahat tayo may kaniya kaniyang wangis at anyo.. lahat ng tao ay nilikha ng Diyos kaya walang sinumang may karapatang maging husgado! Hindi naman natin kailangan magbago para lang sa ibang tao? Ano bang pake nila sayo? Ipinanganak tayong ganito kaya ipagmalaki mo! Kaibigan, ginawa tayong kawangis ng makapangyarihang Diyos.. kaya 'wag na wag mong ikahihiya ang sarili mo.. balewalain mo ang mga panghuhusga nila sayo, simulan mo ngayong mahalin ang sarili mo. Ipinangak kang ganyan kaya 'wag kang magabago para lang sa kapakanan ng ibang tao.. 'wag mong pakinggan ang mga sinasabi nila sayo, ikaw 'yan.. mas kilala mo ang sarili mo..
Kung kakaiba ka sa kanila, hayaan mo na lang at mamuhay ka ng masaya. 'Wag kang makinig sa mga sinasabi nila, dahil hindi naman tumitingin ang Diyos sa panlabas na itsura, puso at kabutihang loob ang tinitignan niya.. tsaka bakit ka mahihiya? Ibig sabihin ba non ay ikinahihiya mo ang sayo'y lumikha? Kaibigan, paalala ko lang.. walang ginawa ang Diyos na hindi maganda, lahat tayo iisa. Lahat ng kaniyang nilikha ay kagila-gilalas at kamangha-mangha.. Pantay pantay at nilikhang kawangis niya.. kaya sino sila para humusga dahil lang sa panlabas na itsura? Ikaw! Ikaw na nakakarinig ngayon sa aking tula? Isa ka ba sa mga nanghuhusga dahil sa panlabas na itsura? Kung isa ka sa kanila.. sana iyong pagkakamali ay iyo ng itama, dahil hindi 'yan kaaya-aya.. lalo na sa mata ng Diyos at sa nakapaloob sa bibliya..
Bago ko tapusin ang tulang 'to, magiiwan ako sa inyo ng isang kataga.. Sa lahat ng mga kabataan na nakikinig ngayon sa aking tula, sana mabuksan ang isip niyo at mamulat ang inyong mga mata.. manalangin tayo at magpasalamat sa lahat ng binigay niyang biyaya, hindi 'yong puro ka panghuhusga sa kapwa.. tingin mo ba may matutuwa sayong ginagawa? Hindi ba't wala? Kaya kung ikaw ay isa sa mga taong nanghuhusga.. kaibigan, magbago bago ka na, mahalin ang 'yong kapwa dahil 'yan ang sabi ng Diyos na nakapaloob sa bibliya!
Outro:
Kaya't maling kagawian ay iyo ng ipagpaliban, dahil sayo'y diablo lang ang nasisiyahan.. humingi ka ng tawad sa mga taong nagawan mo ng kasalanan, 'wag mo ng ulitin ang iyong kinagawian at higit sa lahat.. humingi ka ng kapatawaran sa Diyos nating makapangyarihan.. sana'y lahat ng aking sinambit ay inyong naunawaan, nawa'y may napulot kayong aral sa inyong napakinggan.. Ako si ***** na nagiiwan ng katagang.. "Huwag manghusga sa panlabas na kaanyuan, humingi ng tawad sa Diyos at ilaganap ang pagmamahalan.."
BINABASA MO ANG
Idea Of Loving You: A Spoken Word Poetry Compilations (Completed)
PoesíaMy compilation of spoken word poetries! Originally written by me! Lolz